ISANG napakagandang diamond ring ang natanggap ni Kris Aquino na Mother’s Day gift mula sa isang kaibigan.

Kris

Siyempre pa, binati siya ng kanyang dalawang anak at iba pang kapamilya, pero marami ang natuwa sa mamahaling diamond ring na ipinost niya sa Instagram.

Ang singsing ay galing sa may-ari ng SnR na si Ms Susan Co.

Tsika at Intriga

'Ate Girl' Jackie Gonzaga, naloka; buntis daw, si Ion Perez ang ama?

Caption ni Kris sa litrato ng singsing: “Of course I loved the ring (in person it’s even prettier), but it’s Susan’s GENUINE & UNWAVERING FRIENDSHIP I cherish. #loved (Good Night. Sleep na po ako, feel really weak, headache & body aches.)”

Ang daming nagulat at nagkagusto sa nasabing singsing, pero iisa pa rin ang wish ng followers ni Kris, iyon ay ang gumaling na siya kaagad.

Inulan siya ng “get well soon” at “maraming nagmamahal sa ‘yo” messages mula sa kanyang followes

-REGGEE BONOAN