BATAY sa latest post ni Kris Aquino, may meeting siya kahapon sa mga business partners niya, pero hindi simpleng business meeting lang ang mangyayari, dahil makakaharap din niya ang mga taong kumampi kay Nicko Falcis.

“TRUTH: I have a board meeting tomorrow with my ‘partners’ in Potato Corner + Nacho Bimby. Haharapin ko on my own ‘yung mga taong kumampi kay Nicko at nagsanib-puwersa sa kagustuhang pabagsakin ako. My lawyers told me they can go on my behalf pero may katangian akong kayang ipagmalaki, hindi ako duwag.

“I remember telling you that it’s in life’s happy moments I miss my mom BECAUSE I loved seeing her proud of her bunso. But these past few days, I wish heaven would briefly share her with me, kahit sa Friday afternoon lang bago ko sila harapin, dahil ang mom, hindi siya ever pumayag na abusuhin na lamang ako, lalo na ng isang pamilyang feeling entitled na magsinungaling at bastusin ang buong pagkatao ko.

“Higit sa lahat, sa bawat oras na nadapa ako, inalagaan at inalalayan ako ng Mom hanggang muli akong makabangon.

Tsika at Intriga

'Ate Girl' Jackie Gonzaga, naloka; buntis daw, si Ion Perez ang ama?

“I’m honest enough to say i am afraid of tomorrow’s meeting because I’m entering the lion’s den. And my wounds are still healing. So it’s a given, they can smell blood.

“This is one instance I NEED MY MOM. Her warm embrace, even just her presence, always reassured me that everything will work out for the best. No matter our age, we never outgrow our need for our moms.

“Sila ang pumili ng venue, sila ang nagtakda ng oras at araw. All the painful memories have returned in full force BUT I am Cory Aquino’s daughter and she taught me to never allow anyone to belittle my COURAGE nor sacrifice my INTEGRITY.”

Pinayuhan si Kris ng kanyang supporters na magsama pa rin ng lawyers sa pagharap niya sa board meeting. Kung hindi man siya magsasama ng lawyer, mag-ingat siya, lalo na at ang mga “kalaban” niya ang pumili ng venue.

Marami naman ang nagdasal na maging maganda ang resulta ng board meeting ni Kris para naman mabawasan ng kahit isa lang ang mga dinadala niya sa dibdib.

Maghaharap pa sina Kris at si Nicko para pag-usapan ang kasong isinampa ni Kris sa kanya. Wala pang petsa at venue kung kailan ito mangyayari at nabanggit minsan ni Kris, na lawyers lang nila ang kanilang kasama sa kanilang pag-uusap.

Samantala, sinagot ni Kris ang netizen na nag-comment na sana malason sila ni Bimby habang kumakain sila ng balut.

“I am so done with being bullied by insane people like you who did it with fake accounts. Kung gusto mo talaga kaming lasunin. JUST DO IT and stop hiding behind freaking made up IG accounts. Tulog ka na raw, your dad Satan says it’s time for bed.”

-Nitz Miralles