KABABALIK lang ni Enchong Dee nitong nakaraang buwan mula sa pagbabakasyon sa Switzerland. Ayon sa pahayag ni Enchong, he is back to focus on his projects, including one with his favorite veteran actress.

Enchong copy

“Meron akong tinatapos na film ngayon with Direk Adolf Alix, Jr. with the lady of my dreams, Anita Linda. So I’m really excited.

“I can’t tell kung saan siya pupunta pero I’m still waiting for the news. Pero sana kasi ang sarap nung nangyaring shooting. Kumbaga dream come true talaga siya. Tapos na siya dapat, pero may isa pa kaming shooting this week, so ihahabol na. Apo ako dito ni Ms. Anita Linda,” pagmamalaki pa ng aktor.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Aminado naman ang bagong Men’s Club by Avon endorser that he is not in any hurry to be doing any television work. Enchong was last seen in the series The Blood Sisters last year.

“Wala pang teleserye for now. Oo naman siyempre, nami-miss ko (mag-teleserye) pero sabi ko nga, ayoko naman mag-teleserye para may trabaho ka lang. Gusto ko ‘yung maganda naman na teleserye. Aantayin ko na lang siya.”

Enchong said he is also interested to try hosting and admires a lot of the local hosts.

“Sinabi ko naman na gusto ko talaga mag-host pero iba ‘yung hosting nila Luis Manzano. Sobrang magagaling talaga sila Luis pagdating sa ganun.

“Gusto ko magkaroon ng game show. ‘Yung parang Who Wants to Be A Millionaire or Game Ka Na Ba? type of show na it’s educational and a smart game show. Siguro one day ‘pag mas may lakas ng loob akong sabihin sa management,” ani Enchong.

Pagkatapos ng kanyang break-up with Fil-British model Samantha Lewis, Enchong said he has not been in any serious commitment.

“Wala. Last time almost four years, I think. Oo dating, pero talaga siya ‘yung serious na tipong I want to be in a relationship. Date is okay. Date is fine. I would constantly go on dates,” sabi ng aktor.

-Ador V. Saluta