Bucks, umusad sa EC Finals; Warriors, abante sa 3-2

OAKLAND, Calif. (AP) — Walang Kevin Durant. Walang problema sa Golden State Warriors.

HINDI napigilan ng Boston Celtics ang ratsada ni Giannis Antetokounmpo at ng Milwaukee Bucks para maisara ang playoff series sa Eastern Conference.

HINDI napigilan ng Boston Celtics ang ratsada ni Giannis Antetokounmpo at ng Milwaukee Bucks para maisara ang playoff series sa Eastern Conference.

Ipinamalas ng ‘Splash Brothers’ nina Klay Thompson at Stephen Curry ang katatagan sa krusyal na sandali para sandigan ang Warriors sa makapigil-hinigang 104-99 panalo sa Game 5 ng Western Conference semifinals series nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Tatay ni Caloy, ‘ginatasan’ daw ng anak: ‘Kinuha niya semilya ko, ginanyan na kami!’

Hataw si Thompson sa naiskor na 27 puntos, tampok ang krusyal na layup sa huling 4.1 segundo para maisalba ang pagkawala ni Durant na nagtamo ng calf injury tungo sa 3-2 bentahe sa best-of-seven series.

Balik ang aksiyon sa Houston para sa Game 6 sa Biyernes (Sabado sa Manila) kung saan wala pang kasiguraduhan kung makalalaro si Durant.

Nagtamo si Durant ng strained right calf sa pagtatapos ng third quarter. Iika-ika itong nagbalik sa locker room at hindi na nagbalik laro. Tumapos ang two-time reigning NBA Finals MVP ng 22 puntos, limang rebounds at apat na assist.

Nanguna si James Harden sa Rockets na may 31 puntos.

Natamo ni Draymond Green ang ikaapat na technical sa postseason may 3:39 ang nalalabi sa final period, ngunit ginantihan niya ito ng three-pointer na sinundan ng isa pang long distaned shot ni Thompson para sa 97-89 bentahe may 2:33 sa laro.

Kumasa si Curry na may 25 puntos mula sa 9-for-23 shooting. Malamya pa rina ng kanyang shooting sa long range sa 3-of-11.

BUCKS 116, CELTICS 91

Sa Milwaukee, nakumpleto ng Bucks, sa pangunguna ni Giannis Antetokounmpo na may 20 puntos, walong rebounds at walong assists, ang four-game sweep matapos ang opening game loss kontra Boston Celtics para makausad sa Eastern Conference final.

Pitong Bucks ang umiskor ng double figures kabilang sina Khris Middleton at Eric Bledsoe na may 19 at 18 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Haharapin ng Bucks ang magwawagi sa Philadelphia-Toronto series. Tangan ng Raptors ang 3-2 bentahe tungo sa Game Six sa Biyernes.

Ito ang unang pagsabak ng Bucks sa Eastern Conference final mula noong 2001.

Nanguna si Kyrie Irving sa Boston na may 15 puntos