FRIENDS for life thru thick and thin ang turingan nina Kris Aquino at Marita Angeline Alcantara o mas kilala bilang si Anne Binay sa isa’t isa, bukod dito, family friend ng mga Aquino ang mga Binay dahil kay dating Presidente Corazon C. Aquino.

KRIS

Ang dating presidente ng Pilipinas ang naglagay sa puwesto kay dating VP Jejomar Binay bilang officer-in-charge sa Makati simula 1986 hanggang 1987, hanggang sa kumandidato ito bilang mayor at nanalo (1988-1998). Hanggang sa naging ikalawang presidente siya sa panahon naman ng panunungkulan ni dating Presidente Noynoy Aquino (2010-2016).

Sinubok na ng panahon ang magandang pagkakaibigan nina Kris at Anne at ayon na rin sa Queen of Social Media, ni minsan ay hindi siya hiningian ng pabor ng kaibigan niya kaya naman nu’ng nagsabi itong baka puwede siyang dumaan sa campaign sortie ng kapatid nitong sina Jun Jun at Nancy Binay sa Barangay Rizal, Makati noong May 6

Tsika at Intriga

'Ate Girl' Jackie Gonzaga, naloka; buntis daw, si Ion Perez ang ama?

ng gabi ay napunta si Kris.

Kumakandidatong mayor ng Makati si Jun Jun at katunggali niya ang ate niyang si incumbent mayor Abby Binay – Campos.

Hiyawan ang lahat ng dumalo sa sortie sa pagdating nina Kris at anak nitong si Bimby.

“Sa seven years namin bilang magkaibigan ni Anne, never siyang humiling ng kahit ano sa akin. Kaya ngayong may request siya ay hindi puwedeng hindi ko pagbigyan. Ito na ang birthday gift ko kay Anne pati kay Sen. Nancy. Kung sino ang sinusuportahan ni Anne doon ako sa tabi niya,” sabi ni Kris.

May ibinigay ding malaking birthday cake si Kris para kina Anne at Senadora Nancy.

Pero bago bumaba ang mag-ina ay inalayan muna ni Erik Santos ang mga taga-Makati ng awitin.

Kapansin-pansin na wala si ex-VP Jejomar sa campaign sortie nina Jun Jun at Senadora Nancy dahil nandoon pala siya sa tabi ng anak na si Abby na kasabay ding nangangampanya ng mga sandaling iyon. Ang nanay ng magkakapatid na si Dr. Elenita Binay ay kasama naman ng panganay na nag-iisang anak na lalaki.

Sabi pa ni Kris, “Ang nakikita ko po sa kanila ngayon is nagmamahalan silang magkakapatid and nakita natin na kasama nila ang nanay nila. Sa akin lang po bilang nanay din, ‘pag ang nanay (kasama lagi) sa amin po ganu’n din ang pagpapalaki, nasa nanay ang huling desisyon talaga.

“Nu’ng nakita ko po na nakaupo dito si Dra., alam na natin, ‘di ba? May everybody be guided well by the Holy Spirit sa kung anuman ang mangyari.”

Hindi lingid kay Kris na hindi okay ang magkapatid na Abby at Jun Jun but dahil suportado ni Anne ang kapatid na lalaki, ito rin ang suportado ng una.

Pakiusap ni Kris sa mga naroon sa kampanya, “I watched Nancy’s interview and pati ako naluha nu’ng sinabi niya na ang pamilya pagkatapos ng pulitika, pamilya pa rin. So sana iyon po ang mangyari para sa kanila.”

Sabay biro ni Kris sa kaibigang si Anne, “Anne, sa 2022 para wala na lang gulo, ikaw na ang tumakbo (mayor).”

Anyway, sa ilang oras naming pakikinig sa kampanya nina Jun Jun ay maraming nabanggit ang mga supporters niya ang sa mga kaganapan sa Makati City noong si Abby ang namumuno kaya gusto na raw nilang ibalik ang dating mayor para masaya. Sinang-ayunan naman ito ng lahat na ‘tila may panunukso pa sa kalaban.

Naaliw naman ang lahat nang dumating na si Kris at nagkukuwento na ng kung anu-ano dahil pati ang pagkaligaw nila ay nabanggit din niya na ikinaloka ng lahat.

Inamin ni Kris na namali ang driver nila dahil sa sinusundan nitong waze, napadpad sila sa lugar kung saan nangangampanya si Abby Binay at nang sabihin daw ni Kris na kay Jun Jun sila tutungo ay itinuro naman ang tamang daan.

Samantala, may video post si Kris nitong Martes nang i-blow ni Anne ang cake na ibinigay siya habang ang background music ay ang awiting That’s What Friends Are For ni Dionne Warwick na may kasamang lyrics.

“Keep smiling and keep shining, Knowing you can always count on me, for sure. That’s what friends are for, In good times and bad times

I’ll be on your side forever more, That’s what friends are for.

“Advanced happy birthday @annebinay and also to senator @nancybinay. Tonight was for you, Anne. I hope I made you and your mom feel my genuine & lifelong LOVE. Advanced happy mother’s day to Dra!”

-REGGEE BONOAN