NAPILI ng Department of Education (DepEd) ang mga lugar na pagdarausan ng Palarong Pambansa para sa mga taong 2020 at 2021.

Ayon s a DepEd, matapos ang masinsinang deliberasyon ng mga proposal ng bidding na isinumite ng mga local government units (LGUs), idineklara nilang maidaos ang Palarong Pambansa 2020 s a Occidental Mindoro habang ang Negros Occidental naman ang magiging host ng Palarong Pambansa 2021.

Ilan sa mga lugar na naghain din ng bid upang maging susunod na host ng Palaro ay ang Marikina City at Puerto Princesa para sa taong 2020, habang ang Capiz naman ang nakalaban ng Negros Occidental para sa taong 2021.

“The Palaro Board, led by DepEd Secretary and Palaro Board Chair Leonor Magtolis Briones, made the decision after the members reviewed the bids and discussed the reports on technical inspection for Occidental Mi n d o r o , N e g r o s Occidental, and other LGUs—Marikina City and Puerto Prinsesa City for 2020, and Capiz for 2021—in SEAMEO INNOTECH, Quezon City on April 3,” anang DepEd.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

A n g P a l a r o n g Pambansa 2019 ay matagumpay na naidaos ng DepEd sa Davao City noong nakaraang linggo.

Binigyan naman ng DepEd ng “Perfect 10” na iskor ang aktibidad matapos na masiyahan sa ginawang paghahanda ng lungsod para dito.

“Although hindi pa tapos (ang ilang facilities), but we are truly satisfied with the playing venues of the host, at ‘yung billeting quarters, malalaki tong m g a s c h o o l s . V e r y comfortable ‘yung mga billeting quarters ng mga regional delegations,” ani DepEd Undersecretary Revsee Escobedo.

-MARY ANN SANTIAGO