LAHAT ay nakatutok kina Genghis Katipunan Imperial at Alcon John Datu sa pagsambulat ng 1st Ahedres Pilipinas Chess Team Tournament sa Mayo 12 sa Dapitan Sports Complex, Instruccion Street, Sampaloc, Manila.

Si Imperial na pambato ng Patrol Party-list chess team sa nakalipas na team event ay kinuha ng Caine Knight chess team na kinabibilangan din nina Norvin Gravillo, Erickson Marimla at Jimson Linda.

“Gagawin ko ang best ko na matulungan ang Caine Knight chess team sa magandang performance,” sabi ni Imperial, ang two-time Angono, Rizal champion.

Habang si Alcon John, nakababatang kapatid ni dating Istanbul Olympiad member International Master Idelfonso Datu ang rerenda naman sa Eduel’s Top Secret na binubuo nina Virgen Ruaya, Garry Garcia, Christopher Megino at team manager Eduel Santos.

Ilang volleyball stars pina-auction jersey; tulong sa player na may liver cancer

“ Maraming mga malalakas na team na kasali pero preparado kami at bibigyan namin sila ng magandang laban,” sabi ni team manager Eduel Santos, dating player ng University of the East at kasalukuyang empleyado ng DPWH Region 4-A.

Ayon kay National Master Marc Christian Nazario na kasama sina fellow Ahedres Pilipinas co-organizers Woman National Master Christy Lamiel Bernales at Christian Anthony Flores ay ipapatupad ang seven round Swiss system, 25mins + 5sec delay time control format kung saan ang magkakampeon na koponan ay tatangap ng P30,000 plus trophy.

Ang Registration Fee ay P2,500 at early registration ay P2,300. Ito ay sanctioned ng National Chess Federation of the Philippines at mag call/text kay Ms. Christy Lamiel Bernales 09453725248 para sa dagdag detalye.