SASABAK si dating IBO super featherweight champion Jack “The Assassin” Asis ng Pilipinas na aakyat ng timbang para kumasa kay New Zealander Bowyn “BoMan” Morgan para sa bakanteng World Boxing Union welterweight title sa Mayo 17 sa Christchurch, New Zealand.

Malaking pagkakataon ito para sa 33-anyos na si Asis na unang naging IBO champion nang palasapin ng unang pagkatalo via 8th round TKO si Aussie Kye MacKenzie noong Abril 11, 2015 sa sagupaang ginanap sa New Lambton, New South Wales, Australia.

Bahagyang lamang sa pustahan si Morgan dahil sa kanyang rekord na 19 panalo, 1 talo na may 9 pagwawagi sa knockouts ngunit lumaban lamang siya sa bansa niyang New Zealand kaya paborito na magwagi siya sa puntos.

Lumaban na sa iba’t ibang panig ng daigdig si Asis para sa kartadang 38-21-5 na may 19 pagwawagi sa knockouts pero may pamatay siyang kanan na madalas nagpapatulog sa mga kalaban.

-Gilbert Espeña

Manny Pacquiao, nag-ceremonial first pitch sa gitgitan ng Yankees at Athletics