ANG tagal nang nagbabakasyon si Angelica Panganiban, kaya ngayon ay parang ayaw na raw niyang umuwi sa Pilipinas.

Angelica copy

Based sa kanyang Instagram post, nagsimula siyang magbakasyon noong April, pagkatapos nilang magpunta ng barkada niya sa Boracay, sa Hong Kong, tumuloy sa Japan, Las Vegas, New York, California, Hollywood.

Ang last post niya, nasa Santa Monica Pier siya sa California.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang friends ni Angelica, happy sa kanyang pagbabakasyon. Ang kanyang best friend na si Glaiza de Castro, natuwa na natuloy din daw ang pagbabakasyon ng kaibigan.

Bakit nga ba hindi sila magkasama ngayon ni Glaiza na magbakasyon, tulad last year na sila ang magkasama? Dahil may boyfriend na si Glaiza ngayon, habang loveless naman si Angelica, after ng nagmuntikang pagbabalikan na love story nila ni Carlo Aquino.

Ngayon, sa mga tweet ni Angelica, parang ayaw na niyang umuwi.

“Paano ako aalis... paanooo... naiiyak ako. Waaah. Gusto ko na naman mag-walling paakyat.

“Alam mo now, nililito mo feelings ko kung mag-e-extend ako o finally sasakay na ko ng eroplano. Ang ganda-ganda ng cindycat ko!!!

“NO WAY!!! PAUWI NA ‘KO!”

As of the moment, wala pang bagong tweet o post sa Instagram si Angelica. Maaaring natuloy na siyang umuwi, o nag-stay pa rin siya. Kita kasing enjoy siya sa bakasyon niya after ng sunud-sunod na trabaho niya bago umalis, a month ago.

-NORA V. CALDERON