MALALIM man ang iniwang sugat ng pagkatalo sa puso ng mga nagmamahal sa southern division champion Davao Cocolife Tiger, itinuring ng pamunuan ng koponang pride ng Mindanao sa ayuda ng Cocolife na isang leksiyon ang kaganapan sa MPBL.

Mas lalong naging solido ang tambalang Davao Occidental LGU at pamunuan ng Cocolife upang isulong pa ang mas Mabangis na koponang Tigers na may misyong makaresbak at tuluyang makamit ang kampeonato sa Maharlika Pilipinas Basketball League sa susunod na edisyon ng ligang inorganisa ni Senator Manny Pacquiao.

Sa post-game interview kina Cocolife FVP Joseph Ronquillo at team owner Claudine Bautista ,tiniyak ng dalawang team top brass na lalo lang umigting ang kanilang hangaring maihandog ang karangalan sa kumpanya partikular sa Davaoeños

Isantabi na ayon kay Ronquillo ang kabiguang temporaryo lang at harapin ang bukas sa natutunang leksiyong di na dapat maulit ang mga pagkakamali at sobrang kumpiyansang gumiba sa pangarap kung kaya buong puwersa itong itatanghal tungo sa tagumpay na dapat ay tinatamasa na nila ngayon na napasakamay muna ng koponang mula Luzon.

Romualdez sa Araw ng Kalayaan: 'Di lang pag-alala kundi pagprotekta rin sa kinabukasan'

Buong puwersang personal na sinaksihan nina FVP Ronquillo, AVP Rowena Asnan at iba pang opisyal na sina Franz Araque,Winifred Endozo,Maricar Mangulabnan, at Alexander Canlas sa atas na rin ni Cocolife President Atty. Jose Martin Loon ang klasikong kaganapan katuwang sina lady boss Claudine Bautista ng Davao Occidental LGU at Governor Claidie Bautista na bagama't hindi ngumiti ang suwerte ay optimistiko silang nakatadhana ito sa madaling hinaharap sa MPBL.