June 04, 2026

Home BALITA National

'Tuloy ang laban!' Sen. Kiko, nagpasalamat sa muling paghawak ng komite sa agrikultura

'Tuloy ang laban!' Sen. Kiko, nagpasalamat sa muling paghawak ng komite sa agrikultura
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Nagpasalamat si Sen. Kiko Pangilinan dahil sa naging muling pagtatalaga sa kaniya bilang chairperson ng Senate Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform. 

Matatandaang nakakuha ng quorum ang 11 na mga miyembro ng minorya sa Senado noong Miyerkules, Hunyo 3, 2026, nang bilang dumalo sa sesyon ang miyembro ng majority bloc na si Sen. Chiz Escudero. 

Dahil dito, tumayo bilang Senate President Pro Tempore at acting Senate President si Sen. Win Gatchalian upang mapalitan ang chairmanship ng mga senador na hawak ng dating mayorya. 

KAUGNAY NA BALITA: Tawid-bakod na? Sen. Chiz, binulaga plenary session!

Sa naging pahayag naman ni Pangilinan sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Hunyo 4, idiniin niyang makakapaghintay raw ang politika at uunahin daw muna niya ang maraming trabahong nakaabang sa naturang Komite para tumulong sa nagugutom na taumbayan.

National

Isang senador sangkot sa human trafficking, namimili ng babae—Atty. Baligod

“Maraming nakaabang na trabaho. Kumakalam ang sikmura ng ating mga kababayan, at nanganganib ang kabuhayan ng ating mga magsasaka at mangingisda dahil sa Super El Niño.

Makapaghihintay ang pulitika, pero ang gutom hindi,” saad niya. 

Ani Pangilinan, magpapatuloy raw ang laban nila para sa mga magsasaka at mangingisda upang isulong ang abot-kayang pagkain para sa lahat ng mga Pilipino. 

“Patuloy ang ating laban para sa ating mga magsasaka at mangingisda, at para sa mas abot-kayang pagkain para sa bawat pamilyang Pilipino,” pagtatapos niya. 

Sa kabila nito, matatandaang mariing nanindigan si Senate President Alan Peter Cayetano na nananatili pa rin daw siyang lehitimo at legal na pinuno ng Senado sa kabila ng naging quorum ng 12 na mga senador.

Diin ni Cayetano, hindi raw niya kinikilala ang palit-lideratong ginawa ng Senate minority bloc matapos ang pagsipot ni Escudero sa Senado at tinawag niyang ilegal ang kudetang ginawa ng mga kasapi ng minorya.

KAUGNAY NA BALITA: 'I'm still the legitimate, legal, moral Senate President!'—SP Cayetano

KAUGNAY NA BALITA: Cayetano, tinawag na ilegal ang kudeta ng minority