NAGKAROON ng part two ang guesting ni Tony Labrusca sa Tonight With Boy Abunda, at marami siyang inamin—at revelations.

Tony copy

Sinabi ni Tony kay Boy Abunda na okay at maayos na ang kanyang mga papeles, kaya wala nang problems hinggil sa pagtatrabaho niya rito sa bansa.

Inamin din ng bida ng Glorious na allergic siya sa paggamit ng deodorant, dahil may nabasa raw siya noon na it causes cancer.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

Ibinunyag din ni Tony na marami siyang bad or unpleasant experiences when he was growing up. Feeling niya noon ay walang nakikinig sa kanyang pinagdadaanan kaya tuloy umiral ang pagkakaroon niya ng bad temper. Hindi niya raw makontrol ang kanyang emotion, gaya ng matatandaang insidente niya sa airport not too long ago.

Kumusta ang relationship niya with his father, ang dating aktor at TV host na si Boom Labrusca?

“Okay na kami ng dad ko. I had two choices to choose from: ang patuloy na magalit sa kanya or to move on. Iyong pangyayari sa airport, it was my dad who helped me all the way,” sabi ni Tony.

Career-wise ay walang mairereklamo si Tony sa patuloy na pagbibigay sa kanya ng magagandang proyekto. Mapapanood siya sa bagong teleserye ng ABS-CBN na Sino ang Maysala? Mea Culpa, at inaabangan na sa iWant ang bago niyang pelikula na Ang Babae sa Septic Tank 3.

-Remy Umerez