HINDI kaya bawiin ng GMA-7 ang lumabas na balitang kumpleto na ang major cast ng Philippine adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun, na gagawin ng Kapuso Network?

Jennylyn copy

Si Dingdong Dantes pa lang kasi ang in-announce na kasama sa cast at gaganap sa role ni Capt. Yoo Shin-jin o si Big Boss. Kasunod nito, lumutang ang balitang makakapareha niya si Jennylyn Mercado sa role ni Dr. Kang Mo-yeon, o si Beauty.

Noong isang araw, may lumabas na balitang kasama rin sa major cast sina Rocco Nacino at Jasmine Curtis-Smith. Kundi kami nagkakamali, si Rocco ang gaganap sa role ni Seo Dae-yo o The Wolf na in fairness, kamukha niya ang Korean actor na si Jin Goo na gumanap sa nasabing role.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Kung totoong kasama nga sa cast si Jasmine, posible kayang ang role ni Yoon Myen, na ginampaman ni Kim Ji Won, ang kanyang gagampanan?

Ang tsika, kaya inalis at pinalitan si Rocco sa Afternoon Prime na Dahil sa Pag-ibig ay dahil sa DOTS siya. Naalala namin, minsan nang nabanggit ni Rocco na labis niyang ikatutuwa kung mapapasama siya sa cast ng DOTS at makakatrabaho for the first time si Dingdong.

Malaki ang cast ng DOTS, maraming Kapuso actors, lalo na ‘yung mga singkit at mukhang Koreano, ang mapapasama sa cast. Umaasa ang fans ni Gil Cuerva na isa siya sa mapipili at mapapasama sa DOTS.

As for Jasmine, ang DOTS na ang magandang project kasunod ng Sahaya. Matutuwa ang kanyang supporters na may kasunod na siyang project at isa uling malaking proyekto.

Siyempre, tatapusin muna ni Jennylyn ang kasisimulang rom-com series nila ni Gabby Concepcion na Love You Two bago simulan ang DOTS— ‘yun ay kung totoong siya nga ang magiging leading lady ni Dingdong.

-NITZ MIRALLES