BINUKSAN ng Star Cinema, Star Magic, at Star Hunt sa publiko ang audition para sa most coveted role ngayong taon, ang Darna.

Nadine

Miyerkules ng gabi nang i-post ng Star Cinema sa social media ang imbitasyon para sa audition ng papalit kay Liza Soberano sa pinakaaabangang Darna remake.

Isasagawa ang audition sa Mayo 4 at 5, 10:00 ng umaga, sa ABS-CBN audience entrance.

Vivamax stars, Si Alden Richards bet maka-date, bakit kaya?

Batay sa audition post, ang mag-o-audition ay babaeng 20-26 anyos, may taas na 5’5” pataas, marunong umarte, fluent sa Filipino, at physically fit.

Matatandaang isa si Nadine Lustre sa may pinakamaraming boto para gumanap na Darna, pagkatapos umurong ni Liza sa nasabing remake project.

Bukod dito, si Nadine rin ang pinili ni Direk Erik Matti na bagay na gumanap na Darna, dahil Pinay beauty daw ang aktres, na akma sa karakter at matapang ang dating.

Pero ayon naman kay Direk Jerrold Tarog, direktor ng Darna movie, gusto niya ay kasing edad din ni Liza at halos kapareho ng karakter din ng aktres ang papalit dito.

Kung ibabase ito sa edad, 26 years old na si Nadine ngayong taon, so pasado kaya siya kay Direk Jerrold? Puwede namang pabatain ang hitsura ng aktres sa pamamagitan ng make-up?

Kasunod ni Nadine sa may pinakamaraming boto ay si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach, dahil Pinay beauty din, maliksi ang katawan, at matangkad pa. Pero may edad na ang third Miss Universe ng Pilipinas, dahil 30 anyos na siya ngayong taon.

Going back to Nadine, willing siyang gumanap na Darna kung sakaling ialok sa kanya ito.

Ayon sa aktres, na muling pumirma ng kontrata sa ABS-CBN kamakailan: “I feel happy and I feel honored to be recognized and to be chosen to portray something different.”

Aminado ang aktres na muli siyang mapapanood sa telebisyon dahil ilang taon na rin siyang walang regular show, dahil taong 2017 pa siya huling napanood sa teleseryeng ‘Til I Met You katambal ang boyfriend na si James Reid, bukod pa sa naging guest-host siya sa It’s Showtime noong 2018.

At kahit na wala siyang regular show ay hindi naman nawala sa sirkulasyon si Nadine, dahil napanood siya sa pelikulang Ulan noong Marso, kasama si Carlo Aquino, mula sa Viva Films, sa direksiyon ni Irene Villamor.

Kasalukuyan namang ginagawa ni Nadine ang pelikulang Indak kasama si Sam Concepcion, handog ng TBA. Kamakailan, itinanghal siyang Best Actress sa 67th FAMAS Awards para sa pelikulang Never Not Love You (2018), mula sa Viva Films, na idinirek ni Antoinette Jadaone.

-REGGEE BONOAN