DAVAO CITY – Maagang nagpasiklab ang mga gymnast ng Big City, sa pangunguna ni Carl Eldrew Yulo, sa nakolektang anim na gintong medalya sa unang araw ng kompetisyon sa gymnastics kahapon sa University of Imacculate Concepcion Gym dito.

NANGUNA si Yulo sa atake ng Manila sa gymnastics event ng Palarong Pambansa. (RIO DELUVIO)

NANGUNA si Yulo sa atake ng Manila sa gymnastics event ng Palarong Pambansa.
(RIO DELUVIO)

Nasungkit ng 11-anyos na si Yulo ang panalo sa elementary boys High Bar tangan ang iskor na 9.200, Vault sa 11.975 iskor, Mushroom sa kanyang naitalang 9.20, Floor Exercise 12.00 para sa kabuuang 42.300 para manguna sa Individual All-Around category.

“Masaya po, “ pahayag ni Yulo. “First time ko po makakuha ng mga golds sa cluster two sa Palarong Pambansa,” ayon sa in-coming Grade Six student ng Aurora A. Quezon Elementary School.

19-anyos na Pinay tennis player, umariba sa Miami Open; pinataob world's no. 2

Isa pang ginto ang nakuha ni Yulo buhat sa Team Event kasama sina Gabriel Ardinor Tajonera at Hillarion Palles III.

Hindi umano sila nakapag- usap ng kanyang Kuya Caloy – Asian Games veteran -- bago ang kanyang laban ngunit naniniwala siya na buo ang suporta ng kanyang Kuya Caloy at ng buong pamilya sa kanyang pagsabak sa nasabing multi sports event para sa mga kabataang atleta.

“Salamat po sa suporta po ninyong lahat pati po ng family ko,” aniya.

Samantala, humakot naman ng apat na gintong medalya ang tubong Marilao Bulacan na si Gail Santos sa Women’s Artistics Elementary Girls division.

Unang sinungkit ng 9-anyos na si Santos ang ginto sa Individual All Around sa kanyang naitalang 75.800 kung saan nakapagtala siya iskor sa Vault event (19.300), Balance Beam (19.050) at Floor Exercise (18.950).

“Masaya po ako kasi apat po yung golds na nakuha ko. Thankful po ako,” pahayag ng Grade 3 student.

-Annie Abad