KAHIT litrato pa lang nila ni Direk Brillante Mendoza ang ipinost ni Barbie Forteza, na may caption na “I’m sooo excited!!! @ brillante_mendoza”, marami na ang nag-congratulate kay Barbie.
Wala mang detalye na sinabi si Barbie, alam agad ng mga nakabasa na pelikula a n g t i n u t u k o y n i Barbie. Masaya ang followers niya na muli siyang mapapanood sa pelikula. Indie o mainstream movie man ang gagawin niya, ma s a y a a n g supporters ni Barbie.
K a b i l a n g s a m g a n a g - congratulate kay Barbie ang future s i s t e r - i n - l a w niyang si Sanya Lopez, kapatid ng BF niyang si Jak Roberto, at ang mga kaibigan niyang sina Valeen Montenegro, Direk LA Madridejos, at marami pang iba.
Habang hindi pa malinaw ang film project ni Barbie at habang hindi pa siya nagsu-shooting, tuloy ang taping niya ng Kara Mia, with Mika dela Cruz.
Isa si Barbie sa mga young actresses na mahusay umarte, at sayang ang acting talent niya kung s a telebisyon l a n g s i y a napapanood. Kaya nama n ma g a n d a n g b a l i t a n a kinuha siya ng premyadong si Direk Brillante at ng Center Stage P r o d u c t i o n s para sa isang pelikula.
-Nitz Miralles