Si MNL48 Sheki ay laglag na sa ikaapat na puwesto na mahigit isang taon ding namayagpag sa pagiging number 1. Pinalitan na siya ni Aly.

Abby, Aly at Sela copy

Base sa ginanap na grand second annual general election na ginanap nitong Sabado, Abril 27 sa ABS-CBN Vertis Tent, laking gulat ni dating #26 na si Aly nang siya ang tanghaling Second Year Center Girl.

Aniya, “sobrang nakakataba po talaga ng puso dahil akala ko po prelim lang po ang magiging rank 1, hindi ko po talaga inaasahan ‘yung naging resulta kasi marami po akong kilalang deserving sa spot na ito.

Events

Emilio Daez sa pagka-evict sa PBB: 'Kuya, ako nga pala yung sinaing mo'

“Kaya po ngayon bilang Center Girl, maaasahan po nilang gagawin ko ang best ko at magiging responsible ako sa aking posisyon. I take this as an opportunity po para maipakita pa ‘yung ibang side ko aside from cute image.

“Nagpapasalamat po talaga ako sa mga bumoto sa akin. If they believe in me and then I believe in them. It moves me as who I am today, sobrang proud po ako sa MNLoves.”

Sa ginanap na Second New Generation mediacon sa Moviestar’s Café, Centris nitong Martes, Abril 30, ay tinanong kung paano ang naging takbo ng botohan at dahil new generation ay ano ang pinakamahirap na parte bilang miyembro ng MNL48.

“I think the tough part of being a member of MNL48 po is the voting system, general election po is every year po because it’s usapang ‘money’ na po kasi. It’s not a joke kasi po P250 is equivalent to 1 vote and as we all know, it’s hard to earn money here in the Philippines and we are very happy to have fans who voted for us and that’s the best thing for us kasi handa silang lagi para suportahan kami,”pahayag ni Sela na nasa ikalawang puwesto na ngayon.

Maraming nagulat sa invited media na malaking halaga pala ang pinag-uusapan sa pagboto sa MNL48 para makuha ng isang miyembro ang number 1 position na ibig sabihin, paramihan sila ng fans na handang gumastos nang malaki.

Kaya natanong kung paano ang proseso ng botohan sa MNL48.

“Ang process po ng pagboto sa general elections ay nasa kamay po ng fans namin kung saang rank po kami mapupunta. Medyo tough po kasi hindi siya text votes or internet votes. Ang voting po namin ay you have to buy our merchandize na P250 pesos and up. And nagugulat po kami kasi ang fans po namin ay handang gumastos like 200 CDS para po sa 200 votes sa isang member,” paliwanag ni Sela.

In return, anong efforts naman ang ginagawa ng MNL48 para matulungan din ang kanilang fans na manatili sa kanila at hindi lumipat sa ibang miyembro.

“Ang ginagawa po namin ay nagka-campaign kami at dahil alam namin na mahirap din ang voting system ay hindi na namin iniisip kung anong rank na namin basta mapasama lang po kami sa MNL48, that’s the best thing po basta pasok sa 48,” paliwanag ulit ni Sela.

Samantala, hiningan naman ng pahayag si Sheki na dating Center Girl ng MNL48.

“Una palang naman po talaga. Sinabi na po nang management na hindi po talaga ako permanent, hindi po palaging ako ang center. Lagi po nasa isip namin na kailangan din po natin ibigay sa ka-members po natin para lahat po kami magkaroon ng exposure, maipakita po namin ang mga talent po namin.

“Aaminin ko po na hindi pa po ako sanay (na hindi na center girl) dahil one year din po ‘yun but it’s been an honor for me na maglingkod sa grupo. And ngayon na new chapter na, sana po patuloy pa din ang maging suporta sa amin ng mga supporters po namin,” paliwanag ni Sheki na nasa rank 4 na ngayon.

Inamin ng bagong center girl na si Aly na may mga payo sa kanya si Sheki. Kaya tinanong ang huli kung ano ang mga ito.

“Sa mga bagong members po ng MNL48, lagi ko po sinasabi na kahit na ano ang mangyari, tuloy lang po kahit ano po ang pagdaanan naming lahat. Ngayong second year na po, new chapter din po ang haharapin namin. Pagtutulung-tulungan po namin ito lahat.

“Kahit naman po na hindi na po ako center, andito pa rin po ako para tumulong kay Aly. And gusto ko lang po sabihin na sana patuloy ang maging suporta po kay Aly, kasi siya po ang mag-aangat ng grupo ngayong year po and andito po kaming lahat para gabayan po siya palagi.

Ang mga bagong miyembro ng MNL48 at kanilang ranking: Aly, Sela, Abby, Sheki, Sayaka, Jamie, Alice, Ash, Rans, Faith, Jan, Gabb, Jem, Kyla, Grace, Rowee, Thea, Coleen, Cess, Brei, Ruth, Lara, Kay, Belle, Amy, Joyce, Tin, Alyssa, Yssa, Mari, Miho, Dian, Emz, Yzabel, Ecka, Dani, Dana, Ice, Laney, Jaydee, Klaire, Quincy, Cole, Daryll, Lei, Shaira, Shaina at Andi.

Samantala, on the works na ang next single na malapit nang ilabas ng MNL48.

-Reggee Bonoan