DARWIN, Australia – Nagdagdag ng dalawang gintong medalya ang swimming sa Team Philippines sa 2019 Arafura Games dito.
Nakuha ni Ivo Nikolai Enot ang ikatlong gintong medalya sa torneo nang pagbidahan ang men’s 13 to 14 year old 50-meter backstroke sa tyempong 29.80 segunod, habang si Samuel Alcos ay nagwagi sa men’s 17 over 100m breaststroke (1:05.63).
Tangan ng Philippines ang kabuuang 30 gold medals, tampok ang 17 sa swimming, bukod sa 47 silver at 28 bronze medals.
Sa men’s basketball, giniba ng Pinoy ang Torres Strait Islands, 105-61 sa pagsisimula ng kompetisyon sa Marrara Indoor Stadium.
Pinangunahan ni Bon Bulac ang ratsada ng Team Philippines sa second quarter para sa 41-21 bentahe.
Ikinalugod ni head coach Cholo Elegino ang maagang pagpapakitang-gilas ng Pinoy cagers.
“We never expected na ganun ‘yung (point) difference,” sambit ni Elegenio. “We pushed the players kasi maraming Pinoy na nanonood. They are rooting for us and the support was overwhelming. Sabi ko nga, extra motivation. One way to reciprocate is show your effort.”