SINAGOT ni Kris Aquino ang isang basher na nang-iintriga sa kanya at kay Korina Sanchez. Halatang nang-aasar ang b a s h e r nang tanungin nito si Kris sa paraang ikinukumpara a n g b u h a y n g huli sa Kapamilya broadcaster.
Tanong ng basher kay Kris: “Kris anong feeling na masaya si Korina sa kambal niya at asawa? Anong feeling na walang lalaking nagmamahal sayo?”
Tinukoy ng basher ang asawa ni Korina na dating senador na si Mar Roxas at ang kambal nilang sina Pepe at Pilar.
Humirit pa ang same person ng tanong kung ano ang feeling na walang nagpapakilig kay Kris, at kung ano ang pakiramdam na si Kris ang problema sa mga nakarelasyon niya, at kung ano ang feeling na tatandang single ang social media star? “If you feel this comment will give her (Korina) husband (Mar) 4.2 million more votes, best of luck to you,” paunang sagot ni Kris.
“Last reply ko ‘to before your kabastusan is totally ignored—1st I wasn’t brought up in a home where urinating was considered a form of kilig.
“2nd I’m the wrong person to ask if I was t h e problem i n my relationships, why not ask them what was wrong with me?
“And 3rd I’m not going to find out how effing low IQ are you? Why am I in Singapore for more tests? Hindi ako tatandang single because obvious ba, malabo akong tumanda? If ang definition ng matanda is to receive a senior’s citizen card, matagal ko nang tanggap na only a miracle will give me those 12 extra years.”
Marami ang nagdadasal na gumaling si Kris sa kanyang auto immune disease, kaya naman nabastusan din talaga sila sa insensitive na pahayag ng maliwanag namang hater ni Kris. Ang payo sa kanya ng supporters, ‘wag na lang pansinin ang mga bashers.
Nasa Singapore pa rin si Kris para sa blood chemistry at wish ng mga nagmamahal sa kanya ay mabigyan siya ng clean bill of health, para magawa na niya ang mga project na in-offer sa kanya.
-NITZ MIRALLES