IBINUNYAG kamakailan ng nagbabalik-showbiz na si Baron Geisler na engaged na siya kanyang non-showbiz na psychologist girlfriend.

Sa exclusive interview ng PUSH, sinabi ni Baron na engaged na siya “three months ago” kay Jamie Marie Evangelista, na karelasyon niya simula noong Setyembre 2018.

Inilarawan ni Baron si Jamie na pasensiyosa at maalaga.

“Alam niya kung paano ako timplahin,” sinabi ni Baron, na nakabase na ngayon sa Cebu.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Aniya, walang sawa ang suportang ibinibigay sa kanya ng nobya, at laging nandyan para sa kanya kahit na noong siya “had nothing”.

Bakit nga ba nagpasya nang magpakasal ang 36-anyos na aktor?“Pagod na ako sa laro, sa pag-party. Gusto ko na ring magkaroon ng sariling pamilya,” ani Baron, na napapanood ngayon gabi-gabi sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Sinabi ni Baron na plano nilang magpakasal ni Jamie “next year or sooner”.

-NOREEN JAZUL