May 13, 2026

Home FEATURES Human-Interest

Worth it pa bang puntahan ang Manila Ocean Park?

Worth it pa bang puntahan ang Manila Ocean Park?
Photo courtesy: Kate Garica/Balita

Tila marami sa mga Pilipino ang may kwentong bitbit sa sikat na atraksyon na Manila Ocean Park, simula pa pagkabata. Sa paglipas nga ng panahon ay nananatili pa rin itong bukas para sa mga bata at pa rin sa mga feeling bata.

Binuksan noong  2008, ang Manila Ocean Park ay ang kauna-unahang world class themed park sa bansa na matatagpuan sa pusod ng Maynila.

Makalipas ang 18 taon, nananatili pa rin itong bukas sa modernong panahon. Kaya naman ang tanong ng ilan, worth it pa nga bang magpunta sa Manila Ocean Park?

Entrance Fee

Para sa hustle free na pagbili ng ticket sa nasabing parke, maaari na itong mabili via online na may kasama pang bundle—dahil ang Ocean park? Hindi na lang kasi limitado ang atraksyon.

Human-Interest

Hakbang sa katotohanan: Anong pagkakaiba ng hagdan at hagdanan?

Naglalaro mula ₱700 hanggang ₱1,000 ang entrance fee depende kung anong package ang balak mong kunin sa pagbisita mo rito.

Ocean Park, Biodome at Digital Art Museum

Bukod sa sikat na sikat na oceanarium ng Manila Ocean Park, binuksan na rin nila ang Philippine Biodome at Digital Art Museum para i-all out ang pagbisita mo.

Sa pagbili ng ₱700 na ticket para sa Manila Ocean Park, may one time access na sa iba’t ibang animal rooms kagaya ng World of Creepy Crawlies, Trails to Antarctica, Christmas Village, Birds and Sealion show at Stingray Dry Encounter.

Kung gusto namang subukan ang Biodome at Digital Art museum, maaaring makabili ng ₱1,000 halagang ticket para sa Ocean Park x Biodome o Ocean Park x Art Museum.

Matapos ang pagbabad sa aquatic adventure sa Ocean Park, maaaring pasukin ang Philippine Diome kung saan dadalhin ang sinuman sa isang tropical vibe adventure kasama ng mga ibon, ahas, crocodile at iba pa.

Habang isang immersive at aesthetic na digital art museum naman ang pwedeng pagkaabalahan sa pagbisita sa mailaw at IG worthy na Digital Art Museum.

Food stalls

Malaki ang kailangang libutin para masulit ang adventure sa buong Manila Ocean Park kaya naman kung tight sa budget, mas mainam na kumain na muna sa labas, bago pumasok sa nasabing themed park.

Hindi rin kasi puwedeng ipasok ang anumang outside food sa loob ng Manila Ocean Park, at limitado at may kamahalan din ang mga pagkain sa loob nito.

Iba pang activities

Para sa mga mag-jowa o nanay at tatay na gusto ring maglibang, marami ring activites ang puwede pang subukan sa loob nito katulad na lamang nga tipikal na perya games na maaaring gawin sa pagbili lamang ng token sa token machine.

Maty VR bump cards malapit sa ticketing booth na maaaring rentahan habang naghihintay ng shows.

Balita Tips:

Bago ang araw ng pagbisita, mas mainam kung aalamin ang oras ng shows na makikita sa website ng Manila Ocean Park para hindi mo ito ma-miss out. 

Ihanda rin ang mga binti at paa sa napakahabang lakaran dahil wala ring makikitang bench at mga tables and chairs sa loob ng themed park, maliban na lang kung kakain sa mga restaurants nila.

Pwede ring magbaon ng payong, mini fan o pamaypay dahil medyo mainit na rin sa loob ng parke at panangga na rin sa araw habang nanonood ng shows at binabaybay ang Philippine Biodome.

Magbaon ng extra money para sa mga souvenirs at pambayad sa photo ops.

Ikaw ka-Balita, anong ratings mo sa huli mong pagbisita sa Manila Ocean Park?