NAKABALIK sa winning track ang University of Santo Tomas matapos pataubin ang McDavid, 111-90,kahapon sa 2019 PBA D-League sa JCSGO Gym sa Cubao.

Pinangunahan ng kanilang Beninese forward na si Soulemane Chabi Yo ang naturang panalo ng Growling Tigers sa ipinoste nitong 25 punto, 15 rebounds at 5 assists.

Bunga ng kanilang panalo, umangat ang Tigers sa markang 5-1 sa Aspirants Group.

Si Chabi Yo din ang nagpasiklasb sa ratsadang ginawa ng Ironcon-UST sa first half kung saan nakalayo sila sa iskor na 59-41 na napalobo pa nila hanggang 109-82 sa fourth canto.

Volleyball fans may bagong aabangan sa PVL!

Nag-ambag din sa panalo si Marvin Lee na umiskor ng 17 puntos at 8 assists gayundin si Rhenz Abando na nagtala ng 13 puntos.

Ngunit sa kabila nito, hindi kuntento si coach Aldin Ayo sa panalo.

"Kulang na kulang pa. Hilaw pa. We know it will take some time for the players to adapt to it, pero right now, what we're thinking is how to establish our system," wika ni Ayo.

Nanguna naman sina Rev Diputado at Jason Melano na nagtala ng tig-18 puntos para sa nabigong McDavid (1-6).

-Marivic Awitan