ILALARGA ng Kaakibat na mga may Autismo sa Pilipinas –isang support group ng mga magulang ng mga taong may autism at iba pang neuro-developmental disabilities, ang PWD Fun Run sa Mayo 26 sa University of the Philippines Academic Oval sa Diliman, Quezon City.

Sa mensaheng, “PWeDe Pala, Hetdo Kami, Join Kayo,” ang isang araw na patakbo ay nakatakda ganap na 5:30 ng umaga para sa 11k, 5:45 a.m. para sa 6.6k at 6 a.m. para sa 2.2k.

Bukas na ang pagpapatala sa Garmin sites sa SM Mall of Asia, SM North Edsa at SM Megamall. Sa mga nagnanais na makiisa, maaring bisitahin ang Facebook page ng PWD Fun Run.

Ang malilikom na pondo sa patakbo ay ipagkakaloob sa KASPI para magamit sa mga programa at aktibidad para sa pagtuturo at pagkalinga sa mga indibidwal na may neuro-developmental disabilities.

Ilang volleyball stars pina-auction jersey; tulong sa player na may liver cancer