FEELING ng fans ni Nadine Lustre na mas lumaki ang tyansa na mapili ang singer-actress na kapalit ni Liza Soberano para gumanap na Darna sa pelikula, dahil sa pagre-renew niya ng kontrata sa ABS-CBN.

Nadine copy

Sa muling pagpirma ng kontrata ni Nadine sa Kapamilya Network, kasama ng aktres sa contract signing si Veronique del Rosario-Corpus, ang bossing ng Viva Artists Agency. Kaya ibig sabihin, Viva artist pa rin si Nadine at sa ABS-CBN pa rin siya gagawa ng TV shows, at sa Star Cinema gagawa ng pelikula.

Kapag si Nadine nga ang napiling gumanap na Darna, matutuwa tiyak si Direk Erik Matti, ang orihinal na direktor ng Darna movie. Matatandaang si Nadine ang personal choice ni Direk Erik para pumalit kay Liza.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

-Nitz Miralles