‘TILA nagpapahiwatig ang comedian/talent manager/ radio host na si Ogie Diaz na may bahid nang katotohanan ang tungkol sa nababalitang panganganak umano ni Julia Montes.

Julia copy

Sa kanyang regular Facebook status na “Mama OGS Answers” last April 24, tinanong ng netizens ang Home Sweetie Home actor tungkol kay Julia at sa napabalitang panganganak nito.

Tanong kunwari sa kanya: “Mama Ogs, ba’t ‘di pa nagpapakita si Julia Montes?”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Sagot ni Ogie: “Hayaan n’yo muna siyang namnamin ang pagiging ina.”

So, kinumpirma na ba niya talaga na nanganak na si Julia?

“Hintayin natin si Julia,” payo ni Ogie sa netizen na sabik na malaman ang tunay na estado sa buhay ngayon ng aktres.

“In time, magsasalita din ‘yon. For now, let’s be happy for them. Hayaan n’yong i-enjoy nila ang isa’t isa.”

Dagdag pang tanong sa kanya” “Isa’t isa? Sino ‘yung isa?”

“Gag*h, ‘yung anak niya! Hayaan n’yo munang i-enjoy nila ang isa’t isa.”

A b r i l n a n g k uma l a t a n g n a g l a b a s a n g b a l i t a n a n a n g a n a k n g a r aw s i Julia sa isang p r i b a d o n g ospital sa San Juan City.

M a y m a n g i l a n - ngilang showbiz insiders ang nakakaalam umano sa nangyari, at ang mga ito ang nagbigay ng impormasyon sa PEP tungkol sa pagsisilang nga ng Kapamilya actress, na matagal nang natsitsismis na girlfriend ni Coco Martin.

Gayunman, nanatiling tahimik ang bida ng FPJ’s Ang Probinsyano sa buong panahong kumalat ang balita sa panganganak ni Julia. Pero nitong Easter Sunday, nag-post sa Instagram ng makahulugang mensahe ang 37- anyos na aktor.

“Ang hindi ko pagkibo at hindi pagpatol sa mga bagay na hindi kauunlad ng ating bayan ay hindi kabaklaan. May kanya-kanya tayong buhay at tayo ang may desisyon kung pa ano na t i n patatakbuhin ito, at sa aking palagay wala akong nagawang masama sa ‘yo, kung s i n o ka m a n . H i n d i k o kailangan ang masasakit n a o p i n i o n mo!” bahagi ng mahabang post ni Coco.

-Ador V. Salut