MARAMING pinabilib si Jodi Sta. Maria dahil kahit hirap na hirap na siyang magsalita dahil sa sobrang pamamalat ay dumalo pa rin siya sa mediacon ng Man and Wife, kasama ang direktor ng pelikula na si Laurice Guillen, produced ng Cineko Productions for Mother’s Day.

Direk Laurice at Jodi

Kaya naman awang-awa ang lahat sa aktres, na kung puwede lang siguro ay hindi na siya tanungin, pero hindi naman pupuwede dahil may kinalaman ito sa pagiging ina niya na related sa karakter niya sa Man and Wife bilang si Luisa na asawa ni Carding (Gabby Concepcion).

Klinaro naman ni Direk Laurice na hindi ito remake ng Gulong ng Palad, na pinagbidahan noon nina Marianne dela Riva at Ronald Corveau, na naging mag-asawa at nagkaroon ng dalawang anak na babae, pero sa huli ay nagdiborsiyo.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

“Hindi talaga remake, parang after Gulong ng Palad, anong next? Kumbaga, karugtong,” sabi sa amin ng moderator sa mediacon na si Vaughn Johnson Hautea.

Kaya pala sabi rin ni Direk Laurice, nagsilakihan na ang mga anak nina Carding at Luisa sa Man and Wife, tulad ni Peping, na ginampanan noon ni Romnick Sarmenta, na ngayon ay si Francis Magundayao na.

Umiikot ang kuwento ng Man and Wife sa relasyon ng pamilya nina Carding at Luisa, at ng extended families nila na pag-uugatan ng gusot.

Sa nasabing mediacon ay natanong si Jodi kung ano ang naging pagkukulang niya bilang ina sa nag-iisang anak niyang si Thirdy, dahil alam naman ng lahat na working mom siya.

Naging emosyonal ang aktres at inaming mababaw ang luha niya kapag usapang mag-ina.

“I’m a working mom and I’m a single mother, so I must say na I haven’t been spending much time with my son coz I had to go to work.

“And also, maybe I have not been successful in giving my child the family that he deserves because hindi naman kaila po sa inyo that my ex-husband and I have been separated for quite sometime already.

“But I am very grateful to the Lord because kahit na ganu’n ‘yung situation at kahit ganu’n ‘yung nangyari, nakikita kong lumalaki nang maayos ‘yung anak ko. ‘Yun lang po, thank you,” pahayag ni Jodi.

Ano naman ang ‘sana’ hindi nangyari o nangyari sa pananaw ni Jodi bilang ina?

“Kahit ano ang mangyari, mapabuti lang ‘yung anak mo. I think, for me ‘yun lang talaga ang pinaka-sana ko, na kahit ano ang mangyari, magiging maayos siya, lalaki siyang maayos na mamamayan,” hirap na hirap na sagot ng aktres.

At bilang ina ay umaming may failure rin si Direk Laurice sa pagpapalaki sa kanyang anak.

“Sabi nga ni Ina (Feleo), nu’ng maliit pa siya, medyo maldita siya dahil lagi niyang pinahihirapan ‘yung yaya niya para umalis ‘yung yaya para mapilitan ako na alagaan siya.

“So, I would consider that a failure in a way na hindi ako hands-on mother in a hundred percent or in a 90 percent because I was a working mother.”

Mabuti na lang daw kahit hindi siya nakatutok sa mga anak nila ng nasirang Direk Johnny Delgado ay lumaking maayos sila, mapagmahal at kayang tumayo sa sariling paa.

Samantala, inamin ni Jodi na sa unang araw ng shooting nila ay naalangan siya kina Direk Laurice at Gabby, dahil siguro sa kabilang TV network sila at unang beses din niyang makatrabaho ang mga ito.

P e r o s a h u l i a y pinasalamatan ng aktres sa oportunidad na nakatrabaho niya ang dalawang mahusay na direktor at aktor sa showbiz industry.

“As an actor, magaling talaga si y a . And as a person kahit na he’s Gabby Concepcion, he’s very humble,” saad ni Jodi.

Isa pang dahilan kung bakit naalangan si Jodi sa unang araw ay kinunan kaagad ang love scene nila ni Gabby bilang mag-asawa.

Pero bago ito naikuwento ng aktres ay natanong siya muna kung may kissing scene sila. Napangiti at nahiyang inamin na may “intimate scene” sila ni Gabby.

“Naloka talaga ako. Tapos, Gabby Concepcion?! Hindi ko alam kung paano ko siya hahawakan, paano ko siya hahalikan. Pero I must say na napaka-gentleman ni Mr. Gabby Concepcion. Talagang mararamdaman mo na walang taking advantage at talagang nakaalalay siya.”

Sundot naman ni direk Laurice: “Siyempre mag-asawa sila, kaya kailangan may ganu’n. Hindi naman pupuwedeng wala, alangan namang magtitigan lang kayo.”

Natawa naman si Jodi. Kasi, alangan namang man and wife kayo, magtititigan at magdya- Jack en Poy lang kayo, ‘di ba?”

Naalaala naman ng aktres na sa remake pa ng teleseryeng Pangako Sa ‘Yo noong 2015 nang huli siyang gumawa siya ng love scene.

N a k a t i t i y a k kami n g maganda ang kuha ni Direk Laurice ng love scenes nina Gabby at Jodi.

Anyway, mapapanood na sa May 8 ang Man and Wife, mula sa Cineko Films at Cinescreen.

-REGGEE BONOAN