Aprub para kay Miss Earth Philippines 2025 Joy Barcoma ang paglahok ng transwomen sa mga beauty pageant.
Matatandaang noong 2012 ay pinahintulutan na ng Miss Universe Organization ang pagsali ng transwomen sa kanilang beauty pageant na noo’y nilalahukan lamang ng mga "naturally born females."
Kaya sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, sinabi ni Joy ang dahilan kung bakit sinasang-ayunan niya ang desisyong ito ng organisasyon.
Aniya, “I actually agree with the decision of the Miss Universe Organization to take na po and accept transwomen into the pageantry.”
“Because if we want to celebrate femininity and womanhood, we should not discredit the experiences as well as the transition that our transgender community went through," dugtong pa ni Joy.
Kilalang ally si Joy ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community. Sa katunayan, sinita niya ang ilang content creators na straight na nagbabakla-baklaan sa ngalan ng kita at engagement.
Maki-Balita: Miss Earth PH Joy Barcoma, bumwelta sa mga pinagkakakitaan pagbabakla-baklaan!