May 22, 2026

Home SHOWBIZ

Miss Earth PH Joy Barcoma, bumwelta sa mga pinagkakakitaan pagbabakla-baklaan!

Miss Earth PH Joy Barcoma, bumwelta sa mga pinagkakakitaan pagbabakla-baklaan!
Photo courtesy: Joy Barcoma (FB)

Mariing pinatutsadahan ni Miss Earth Philippines 2025 Joy Barcoma ang ilang nagbabakla-baklaan ng mga content creator sa social media para kumita ng pera. 

Sa konteksto kasi ng “bakla-baklaan,” ipinaliwanag ng tumayong direktor sa mga pelikulang “Mamu: And a Mother Too,” at “Dreamboi” na si Direk Rodina Singh na tumutungkol ito sa mga bruskong aktor na gumaganap na bakla sa mga pelikula kagaya nina Dolphy, Vic Sotto, Eddie Garcia, at marami pang iba. 

Isang paraan upang tila maging patok sa takilya ang pagganap ng mga macho at lalaking lalaki na aktor na bading upang pagsimulan ng tawa. Hindi sa pagiging mismong bakla kundi sa konteksto ng isang lalaking hindi inaasahang biglang babagsak para maging bakla. 

Ayon sa naging pahayag ni Barcoma sa kaniyang Facebook post mula sa ibinahaging niyang post ni Direk Rodina noong Miyerkules, Marso 25, mariin niyang sinabing wala naman daw problema na magbakla-baklaan sa social media. 

“Wala namang problema magbakla-baklaan dahil wala namang nakakahiya sa pagiging bakla,” pagsisimula niya, “If anything being gay is being interesting kaya nga yun ang ginagawa niyong persona.” 

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Ani Joy, ang problema lang daw ay ang pagpapanggap na bakla ng ilan upang maging puhunan nila ng pagkakakitaan ngunit tila hindi naman sumusuporta sa komunidad ng mga bakla. 

“Ang problema, kumikita kayo sa pagcocosplay ng “bakla” pero kapag panahon na para ibalik ang suporta sa komunidad na ginagawa niyong puhunan para kumita, tahimik kayo,” aniya.

Diin ni Joy, dapat daw kasing makayanan ding tahakin ang mga lalaking nagbabakla-baklaan ang masukal na daan ng mga bakla at maranasan ang salimuot ng kanilang mundo. 

“KUNG KAYA NIYONG GAYAHIN ANG MGA BAKLA, DAPAT KAYA NIYO RIN TAHAKIN ANG MASUKAL NA DAAN AT MARANASAN ANG MASALIMUOT NA MUNDO PARA LANG SA KANILANG PAGTANGGAP,” buwelta niya. 

Pagpapatuloy ni Joy, makibaka, magsalita, at mahalin daw sana ng marami ang mga bakla sa halip na gawing kasangkapan lamang ang kanilang kasarian. 

“Makibaka kayo para sa kanila. Magsalita kayo para sa kanila. Higit sa lahat, mahalin niyo rin sila,” pagtatapos niya. 

Matapos, tila nagawa namang katigan ng netizens ang naturang pahayag ni Joy. 

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa post ng beauty queen: 

“Maganda ang talatang binitawan. Dahil jan 5 pitik and soft moves!” 

“She may be funny,but this? This is short but on point. Well said, our Jusaaaa” 

“THANK YOU FOR SPEAKING UP FOR US!” 

“Sorry Po may ilang content Po ako na nagbakla baklaan Po ako. Pero it's not degrading nman Po n content ha. Anyway pinaglalaban ko Po kayo SA mga brand Ng Ibang tao na about etch ay bee. Totoo Yan Kasi katungkulan ko Rin Po Yan as health professional na ieducate Ng Tama Ang mga tao. Sanay sapat na Po Yun na support sa Inyu.” 

“iloveyou mare!” 

“The jusa has spoken” 

KAUGNAY NA BALITA: ‘Baguhin kwalipikasyon ng kandidato?’ Miss Earth PH, inalmahan paninisi ng Comelec sa mga botante

KAUGNAY NA BALITA: Miss Earth PH Joy Barcoma, suportado anti-mining protest sa Nueva Vizcaya