NAGHIHINTAY ang milyones na premyo para sa gaganaping Grand Lotto 6/55 sa Sabado, Abril27, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.

Mahigit kumulang na P139 milyon ang nakataya sa Grand Lotto 6/55, habang

ang jackpot sa 6/58 Ultra Lotto ay P57M at ang Mega Lotto 6/45 na may P45M jackpot prize ay bobolahin sa Biyernes.

Hinihikayat ng PCSO ang publiko na bumili ng ticket sa mga larong ito na maaring maging daan sa maginhawang pamumuhay at patuloy na makatulong sa kawang-gawa at paghatid ng programang medical sa ibat-ibang institution na suportado ng PCSO.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ang Grand Lotto 6/55 draw ay napapanood sa PTV-4 sa mga araw na Lunes, Miyerkules at Sabado samantala ang Ultra Lotto 6/58 ay mapapanood sa mga sumusunod na araw na Martes, Biyernes at Linggo at ang Mega Lotto 6/45 ay mapapanood tuwing Lunes, Miyerkules at Byernes.

Paalala ng PCSO na panatilihing nasa maayos na kundisyon ang mga ticket dahil kahit hindi makuha ang anim na winning digits, ay maari pa ring manalo ng consolation prize kapag nakasungkit ng tamang tatlo hanggang sa limang winning combination.

Para sa mga nagnanais makita ang mga nanalong kombinasyon at iba pang detalye ng PCSO games, produkto at serbisyo maari ninyong bisitahin ang PCSO official website na www.pcso.gov.ph at ang official FB page