WALANG ginto, ngunit nanatiling buo ang tiwala ng sambayanan kay Hidilyn Diaz.

Nakuntento lamang ang Rio Olympics silver medalist at Asian Games gold winner sa tatlong silver medal sa women’s 55kg division ng 2019 Asian Weightlifting Championship kamakailan sa Ningbo, China.

Sumegunda ang pambato ng Zamboanga City sa snatch (94 kilograms), clean and jerk (115 kilograms), para sa kabuuang 209 kilograms para makamit ang tatlong silver medals sa kompetisyon na bahagi ng qualifying tournaments para sa 2020 Tokyo Olympics.

Nanguna si Liao Qiuyun ng China sa naitalang bagong world record sa 128 kilograms sa clean and jerk, para lagpasan ang dating marka na 127 ni Srisurat Sukanya ng Thailand.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Kampeon din si Liao sa snatch (96 kilograms) para sa total na 224 kilograms.