NAPANOOD namin ang pilot episode ng Idol Philippines nitong Linggo, Abril 21, sa ABS-CBN at para kaming nonood ng Pilipinas Got Talent minus Robin Padilla, Angel Locsin at Mr. Freddie M. Garcia bilang mga hurado dahil sina James Reid, Moira dela Torre at Regine Velasquez-Alcasid ang kasama ni Vice Ganda sa bagong reality show ng Kapamilya network.

Moira at James

Sa mga nagtatanong kung may K o karapatan sina James at Moira na maging hurado ng Idol Philippines, mayroon, base na rin sa mga narinig naming komento at payo ng dalawa sa mga nag-audition.

Mahigpit si James dahil diretso siyang magsalita at alam niya ang mga sinasabi niya lalo na sa mga high notes, alam niya kung tumatama o hindi.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Bukod kina Vice at Regine na parehong bihasang maging hurado sa mga singing contest dahil alam nila ang wala sa tono at hindi, hindi rin naman nagpahuli si James.

Si Moira ang sa tingin namin ang pinaka-emotional sa apat dahil kapag narinig na niya ang malungkot na kuwento ng contestant ay naiiyak na siya at nagbibigay siya ng payo lalo na sa mga taong dumanas ng depression kasi nga naranasan din niya ito. Tulad ni Vice, na kumapit sa Diyos at manalangin kapag nakararamdam na ng kalungkutan.

Si Moira rin ang parang madaling i-please sa apat na hurado, dahil nga maawain siya at malambing din niyang sinasabi sa contestant ang “no” kapag hindi pasado.

Samantala, baka kaya walang PGT ay dahil abala si Angel sa The General’s Daughter, samantalang si Robin ay may ginagawa ring pelikula at abala siya sa Marawi City at si Boss FMG ay baka abala ring mag-golf at sa mga apo?

Anyway, multiple trending topics ang Idol Philippines, dahil number 1 ito nationwide at number three naman worldwide.

Congrats, Team Idol Philippines!

-Reggee Bonoan