BILANG pagpapamalas ng pagmamahal sa larangan ng baseball at sa Pilipino, nagtatag ng isang de-kalibreng koponan ang Japanese national na nakabase sa bansa na si Keiji Katayama na ang mga manlalaro at pawang batikang Pinoy baseballers

Si Katayama na dating varsity baseball player sa kanyang bansang Japan bago naging top executive ng isang multi-national company sa Muntinlupa City ay isa rin  sa miyenbro ng coaching staff ng Philippine baseball team na idedepensa ang  titulo sa men's baseball sa parating na 30th Southeast Asian Games na idaraos sa Pilipinas sa Nobyembre ng taon.

Pambansang Kamao Manny Pacquiao, nag-senti? Ilang netizens, todo-comfort!

Binubuo ng Katayama team (KBA Stars) ng mga manlalaro sa collegiate,commercial at mga dati at kaslukuyang nasa elite national team na lalahok sa  liga sa bansang  Baseball League Philippines sa darating na buwan ng Mayo.

"My advocacy is to help to the continuing program of the sport of baseball here where Filipinos can excel" wika no Katayama.

Si Keiji rin ang founder ng Katayama Baseball Academy Philippines.