Si Dingdong Dantes ang gaganap sa lead character ng Korean drama series na Descendants of the Sun (DOTS) remake, inanunsiyo ng GMA-7 network ngayong araw. Ang announcement ay isiniwalay kasunod ng contract renewal ni Dingdong sa television network.

DINGDONG

Anang aktor, siya ay “more than very physically, emotionally, and spiritually prepared” para sa role, lalo na ngayong may bago siyang pagkukunan ng inspirasyon, ang bagong silang niyang anak na si Sixto.

Aniya pa, masaya siyang siya ang gaganap sa naturang role dahil nagustuhan niya ang proyekto nang mapanood ang orihinal na serye, ayon sa GMA-7.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Gagagampanan ni Dingdong ang karakter ni Captain Yoo Si-jin — mas kilala bilang si “Big Boss” — sa DOTS remake. Ang role ay orihinal na ginampannan ng Korean actor na si Song Joong-ki.

Hindi pa iniaanunsiyo kung sino ang gaganap na leading lady — si Dr. Kang Mo-yeon.

Ang Descendants of the Sun ay isang hit Korean drama na unang umere sa GMA-7 noong 2016.

-Marjaleen Ramos