CAMP BANCASI, Butuan City – Naghain na ng reklamo sa Commission on Human Rights (CHR) ang biyuda ng isang barangay chairman na umano’y napaslang ng mga rebelde sa San Luis, Agusan del Sur, kamakailan.

HR VIOLATIONS

Sinabi ni Civil Military Operations chief, Capt. Aldim Viernes, ng 26th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army (PA), nais ni Joy Salamoren na mabigyan ng hustisya ang pagkakapaslang sa kanyang asawa na si Rubincio Salamoren, kapitan ng Bgy. San Pedro, noong Pebrero 27.

“They had no mercy taking the life of my husband who was a good man. I know that justice will be served. They cannot hide in the mountains forever,” pahayag aniya sa kanya ng biyuda ni Salamoren.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nakilala na aniya nila ang mga suspek kaya’t inireklamo na ang mga ito sa CHR.

Matatandaang patungo na sana si Salamoren sa isang pagpupulong sa San Luis Municipal Hall, sakay ng motorsiklo  nang harangin ito ng tatlong lalaki at pinagbabaril ito.

Hindi pa rin madetermina ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaslang.

-Mike U. Crismundo