WALANG s inab i ang post ng ibang aktres na naka-two-piece swimsuit at nagpahirap mag-pose para lang maganda ang kalabasan ng pictorial sa social media. Taob silang lahat kay Alessandra de Rossi na nasa bahay lang, pero panalong-panalo ang picture na naka-panty lang yata, topless, nakaupo lang, pero kabog ang dating.

Alessandra copy

Ang caption ni Alex sa picture niya ay simple lang: “Lahat nalang nag-beach sa sobrang init! Teka! Handa ako!”

Sayang lang at disable ang comment box ni Alex, kaya natigil ang pagko-comment ng kanyang followers. Pero nang una naming bisitahin ang Instagram (IG) niya, puro positive ang nabasa naming comments sa naturang picture.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Marami ang nagustuhan ang post ni Alex and as of yesterday afternoon, may 33, 132 likes na ito. Mas magiging masaya ang followers ni Alex kung io-open niya ang comment box sa naturang post.

-Nitz Miralles