DOHA, QATAR -- Nanggulat ang dalawang Philippine club teams na kalahok sa 2019 FIBA 3x3 World Tour Masters makaraang manguna sa group stages ng torneo nitong Huwebes ng gabi.

PINANGUNAHAN ni Paul Lee ang Magnolia sa pagtibag sa Rain or Shine sa Game 3 ng kanilang series playoff sa PBA Philippine Cup.  (RIO DELUVIO)

PINANGUNAHAN ni Paul Lee ang Magnolia sa pagtibag sa Rain or Shine sa Game 3 ng kanilang series playoff sa PBA Philippine Cup.
(RIO DELUVIO)

Kapwa winalis ng Pasig Chooks at Balanga Chooks ang kani-kanilang grupo sa harap ng mga dumagsang overseas Filipino workers sa Katara Amphitheatre.

Parehas umusad ang Pasig at Balanga sa knockout quarterfinals ng global meet.

19-anyos na Pinay tennis player, umariba sa Miami Open; pinataob world's no. 2

“Our teams showed the world what we have been doing for the last three months,” wika ni Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 commissioner Eric Altamirano. “Unlike past teams that were confused with the rules, Pasig and Balanga only made a few mental mistakes during their games. In addition, they were disciplined.”

Winalis ng Pasig ang Pool C sa kabila ng pagka injured ng isa nilang player na si Leonard Santillan na nagtamo ng sprained right ankle sa kanilang 19-17 upset sa 2019 Wuxi Challenger champion Riga Ghetto ng Latvia.

Pinangunahan naman ni Alvin Pasaol ang Balanga sa kanilang 20-19 na overtime win kontra Moscow Inanomo.

Una namang ginapi ng Pasig ang home team Katara, 21-14 at kasunod nito, sinorpresa ng 2019 Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 President’s Cup champion ang world no. 1 Liman ng Serbia, 19-16, upang mawalis ang Pool A.

“But now that we are in the quarterfinals, I challenged the boys to continue the momentum and show the world that Philippine 3x3 basketball is here to stay in the World Tour,” pahayag ni Chooks-to-Go Pilipinas 3x3 league owner Mascariñas.

-Marivic Awitan