Pinanindigan ni Edward Kelly ang kanyang palayaw na ‘The Ferocious’ matapos manalo sa pamamagitan ng TKO laban kay Sung Jong Lee sa ONE: ROOTS OF HONOR noong Biyernes, Abril 12 sa Mall of Asia Arena.

Nanalo sa second round pa lamang si Kelly nang lamunin niyang buo ang Koreanong kalaban sa sunod sunod na suntok, para rin makabalik mula sa pagkatalo mula kay Christian Lee noong Enero.

“To be honest, I nearly punched myself out,” sabi ni Kelly.

“I got tired throwing punches but I was surprised at him because he was still strong and was just absorbing my punches.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Tinanong si Kelly na i-rate ang kanyang performance sa laban at binigyan niya ang kanyang sarili ng ‘thumbs down.

“I admit, even though I won, there’s still questions to myself, the things that I have to develop in my next matches,” sabi ni Kelly.

“I have always wanted to get back to the winning track, that’s why my mentality heading here was to win whatever it takes.”

Muntik na ring matalo si Kelly nang bigla niyang nasipa si Sung sa unang round. Nabigyan siya ng yellow card at nirespeto naman ng mga tao si Sung nang balewalain lang niya ang nangyari at tinuloy ang laban kahit malaki ang tsansa niyang manalo sa pamamagitan ng disqualification kay Kelly.

“I was kind of nervous. I thought he was going to take the easy way out and get the disqualification victory,” sabi ni Kelly, habang iniisip ang pagkatalo ni Kevin Belingon kay Bibiano Fernandes.

“But I was happy that he got up and he wanted to continue the match.”