Celtics, Bucks at Rockets, abante sa 2-0

BOSTON (AP) — Naghabol ang Boston sa final period, ngunit walang problema para sa Celtics Pride.

INASINTA ni Boston Celtics guard Kyrie Irving ang basket sa kabila ng matinding depensa ni center Myles Turner ng Indiana Pacers sa maaksiyong tagpo ng kanilang laro sa Game 2 ng Eastern Conference playoffs. Nagwagi ang Celtics para sa 2-0 bentahe. (AP)

INASINTA ni Boston Celtics guard Kyrie Irving ang basket sa kabila ng matinding depensa ni center Myles Turner ng Indiana Pacers sa maaksiyong tagpo ng kanilang laro sa Game 2 ng Eastern Conference playoffs. Nagwagi ang Celtics para sa 2-0 bentahe. (AP)

Hataw si Kyrie Irving sa natipang 37 puntos, tampok ang krusyal na opensa sa matikas na paghahabol sa final period para mailarga ang 99-91 panalo kontra Indiana Pacers para sa 2-0 bentahe sa kanilang Eastern Conference first round playoff nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

‘Hindi na raw tungkol sa basketball;’ Coaching staff ng La Salle, UP, nagkaduruan!

May pagkakataon ang Pacers na maitabla ang iskor, ngunit, nagtamo ng krusyal na turnover si Pacers’ guard Wesley Matthews sa inbounds play may 12.1 segundo ang nalalabi. Sa opensa ng Boston, naipasa ni Al Horford ang bola kay Jayson Tatum na nakakuha ng foul sa kanyang two-handed dunk. Nakumpleto niya ang three-point play para sa 97-91 may 8.8 segundo ang natitira.

Kumana si Tatum ng 26 puntos, kabilang ang nakaririnding dunk para selyuhan ang 10-0 run sa huling limang minute.

Nanguna si Bojan Bogdanovic sa Indiana na may 23 puntos, habang kumana si Thaddeus Young ng 15 puntos.

Gaganapin ang Game 3 sa Biyernes (Saturday sa Manila).

ROCKETS 118, JAZZ 98

Sa Houston, ipinamalas ni James Harden ang matikas na performance para sa isa pang MVP Award.

Kumubra ang reigning MVP at leading candidate ngayong season sa impresibong 32 puntos, 13 rebounds at 10 assists, para sandigan ang Rockets sa ikalawang dominanteng panalo sa Utah Jazz sa kanilang best-of-seven Western Conference first round playoff.

Kumana si Harden, nagtala ng ikatlong career playoff triple-double, ng 25 puntos sa halftime kung saan halos alam na ang kahihinatnan ng laro.

Host ang Utah sa Game 3 sa Sabado (Linggo sa Manila).

Ito ang ikalawang sunod na season na nagkaharap ang Houston at Utah sa postseason matapos magkatagpo sa second round sa nakalipas na taon. Sa nakalipas na taon, nagwagi rin ang Rockets sa Game 1 , ngunit natalo sa Game 2 sa Toyota Center. Umusad sila sa Finals matapos ang Game 5.

Nanguna sa Jazz sina Ricky Rubio at Royce O’Neale na may tig-17 puntos, habang nalimitahan si Donovan Mitchel sa 11 puntos mula sa 5-of-19 shooting.

BUCKS 120-, PISTONS 99

Sa Milwaukee, ginapi ng Bucks, sa pangunguna ni Giannis Antetokounmpo na may 26 puntos, ang Detroit Pistons para sa 2-0 bentahe sa kanilang first round playoff.

Nagsalansan si Eric Bledsoe ng 27 puntos sa Bucks, habang tumipa si Khris Middleton ng 24 puntos. Target ng Milwaukee na makausad sa serye sa unang pagkakataon mula noong 2001.

Hataw sa Detroit si Luke Kennard na may 19 puntos, habang kumana sina Reggie Jackson at Andre Drummond ng tig-18 puntos. Hindi pa rin nakalaro ang star plater ng Detroit na si Blake Griffin bunsod ng injury sa tuhod.

Gaganapin ang Game 3 sa Sabado (Linggo sa Manila).