SI Miles Ocampo lang ang Kapamilya talent sa cast ng horror movie na Maledicto, kaya nagbiro si Miles na naiinggit siya kina Tom Rodriguez, Inah de Belen at Jasmine Curtis-Smith na sama-samang magpo-promote ng movie nilang showing na sa May 1. Siya lang kasi ang magpo-promote sa shows ng ABS-CBN.

Miles copy

Maganda at challenging ang role ni Miles bilang si Agnes na na-posses ng evil at dadaan sa exorcism ritual nina Fr. Xavi (Tom) at Sister Barbie (Jasmine).

“Masaya at magaan sa set, pero mahirap ang role ko. Pagod ako spiritually and mentally. Bilang sinapian ang role ko rito, maraming emotion ang kailangan kong ipakita at tinulungan naman ako ni Direk Mark (Meily). Biggest break ko at ito ang masasabi kong horror movie na super sa pagka-horror,” banggit ni Miles.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Produced ng Fox Networks Group Philippines, Cignal Entertainment at Unitel ang Maledicto na Latin word ng bad word o cursing daw. Sa trailer pa lang, nakakatakot na ang pelikula, lalo na ‘pag napanood nang buo. Magsisimulang ipalabas ang Maledicto sa May 1.

-Nitz Miralles