KUMPIYANSA si dating United States Olympic coach Kenny Adams na patutulugin ni “super” WBA bantamweight champion Nonito Donaire ang kanyang katapat sa WBO na si Zolani Tete ng South Africa sa pamamagitan ng body shot sa kanilang sefinals ng World Boxing Super Series sa Abril 27 sa Cajun Dome sa Lafayette, Louisiana sa United States.
Para kay Adams, 78, naging abala sila ni Donaire sa pagsasanay mula nang gabayan niya ang Filipino boxer sa pagtalo kay dating WBA at IBF bantamweight champion Ryan Burnett ng United Kingdom via 4th round stoppage noong Nobyembre 3, 2018 sa Glasgow, Ireland.
“Training is beautiful, very good, couldn’t be better,” sabi ni Adams sa Philboxing.com. “Nonito’s working hard and looking good. We’re coming prepared for Tete. We’ve studied different fightplans. We’ll do what it takes to win. We know he’s got length. So we’ll take that advantage away from him. We’ll work to our strengths, not his and exploit his weaknesses.”
Mas matangkad si Tete ng apat na pulgada kay Donaire ngunit naniniwala si Adams na hindi makakaya ng South African ang mga bigwas sa bodeha ni “The Filipino Flash.”
May kartada si Donaire na 39 panalo, 5 talo na may 25 pagwawagi sa knockouts kumpara kay Tete na may rekord na 28 panalo, 3 talo na may 21 pagwawagi sa knockouts.
-Gilbert Espeña