Ipinakilalasa grand mediacon ng newest Kapuso primetime teleserye na may titulong Love You Two ang ex-boyfriend ni Ms. Universe Catriona Gray na si Clint Bondad bilang bahagi cast ng serye.

catriona at clint

Ang role dito ni Clint ay si Theo na ex-boyfriend ni Jennylyn Mercado as Raffy. Sa istorya, Clint will seize a career opportunity abroad and he will leave Jennylyn as Raffy behind.

Pero in real life pala, inamin ni Clint na kaya niya piniling maging Kapuso actor ay dahil daw kay Jennylyn Mercado matapos silang magtambal sa Dear Uge noong November 2018.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Naku, hindi kaya magselos niyan si Dennis Trillo na boyfriend ni Jennylyn in real life? Or, hindi kaya si Jennylyn ang dahilan ng break-up nina Clint at Catriona? Just asking lang naman and no intrigues meant in pernes to me. 

Ayaw ng handler ni Clint na tanungin ang alaga niya tungkol sa kung anong naging dahilan ng break-up nina Clint at Ms. Universe Catriona Gray. Bawal daw.

O, sige. Kaya ang tanong na lang ni Yours Truly kay Clint ay, ”Bawal bang magmahal ng dalawang babae?”

“Yes, siguro. I think so,” sagot niya na tipong nag-aapuhap ng salita in tagalog.

Pero may kasabihang, “Huwag ka lang pahuhuli ayon sa ika-labing isang utos na ewan kung sino ang may utos. Do you believe in that?

“I really don’t know that. I’m sorry, I can’t answer, it’s just that, well, when you’re in love, let it be.”

If meant to be, meant to be, is that so?

“Yes!“ pagtatapos niyang sagot.

K, fine, whatever, tsuk!

-MERCY LEJARDE