May 22, 2026

Home SHOWBIZ

Pag-awra sa camera nina Miss Muntinlupa at Palawan, kinaaliwan

Pag-awra sa camera nina Miss Muntinlupa at Palawan, kinaaliwan
Photo Courtesy: Screenshots from EmpirePH (YT)

Napukaw ang atensyon ng publiko kina Miss Muntinlupa Adela Mae Marshall at Miss Palawan Aviona Dass matapos nilang matutukan ng camera sa coronation night ng Miss Universe Philippines 2026 noong Sabado ng gabi, Mayo 2.

Habang rumorolyo kasi ang end-credit scene ng naturang pageant, nakuha pang umawra nina Adela at Aviona.

Nauna itong ginawa ni Aviona at nang makita siya ni Adela ay natawa ang huli sa tinuran ng kapuwa kandidata. Pati tuloy si Adela ay gumaya na rin. 

Sa TikTok post ng netizen na si Jobi nitong Linggo, Mayo 3, ibinahagi niya ang kuhang video ng mismong pag-awra ng dalawang kandidata.

“Tawang tawa talaga ako ditooo bwiseeet HAHAHAHAHA,” saad niya sa caption.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Umani pa tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen nag naturang video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Gandang ganda ako kay Adelaaaaaa"

"Mga barkada ni Joy Barcoma "

"congrats muna, slay later HAHAHAH"

"kaya lab na lab ko yang si adela mae e HAHAHA shuta"

"Nasa sayo ang corona pero nasa amin ang aura"

"Bilib ako sa mga candidates ngayon lahat may saltik love et"

Matatandaang ang pambato ng La Union na si Bea Millan-Windorski ang itinanghal na Miss Universe Philippines 2026.

Kakatawanin niya ang Pilipinas sa global stage para sa ika-75 edisyon ng Miss Universe na gaganapin sa Puerto Rico sa Nobyembre ngayong taon.

Basahin: KILALANIN: Sino si Miss Universe Philippines 2026 Bea Millan-Windorski?