MAHIRAP pantayan ang achievements ni Vilma Santos-Recto bilang public servant at alagad ng sining.

Malakas ang ugong na tatakbo si Ate Vi sa pagka-bise presidente. Gaano ito katotoo?

“Inalok ako noon to run bilang vice president at tinanggihan ko. ‘Yon nga lang Batangas ay may kahirapan, buong Pilipinas pa kaya?”

Ang wish ng Star for all Seasons ay muling makagawa ng pelikula. Huli siyang napanood sa EverythingAbout Her two years ago. Ang kaso ay walang tamang material na mapusuan ang aktres na babagay sa

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

kanyang edad. Nainggit nga siya kay Gloria Romero sa role na ginampanan sa Rainbows Sunset at nanalo pa bilang best actress at age 85. Samantala nakikiramay kami kay Ate Vi sa pagpanaw ng kanyang inang si Mommy Santos. We have good memories kay Mommy Santos na hindi lamang mabait kundi napakagaling ng PR na namana ni Ate Vi.

-REMY UMEREZ