HAYAGANG sinasabi ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na willing siyang mag-audition bilang Darna kung magkakaroon siya ng pagkakataon.

Pia

Ganito ang saloobin ng beauty queen matapos na mag-quit si Liza Soberano sa Darna movie dahil sa tinamong finger injury sa taping ng teleseryeng Bagani last year, na nakaapekto sa kanyang training sa pagganap bilang ang Pinay super heroine.

Marami ding netizens ang nagsasabing bagay daw sa beauty queen ang role bilang Pinay superhero na Darna.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“I’m very flattered they think I could play the role of Darna. That’s an iconic role and a really sought after role. The role of a lifetime,” sabi ni Pia sa panayam sa kanya ni MJ Felipe.

“Kung papalarin na ibibigay sa akin ‘yung role na Darna, tatanggapin ko. I will work hard, I will train, I will attend workshops. Ibibigay ko lahat ng lakas ko. But, of course, it’s ABS-CBN’s decision in the end to see who is the perfect fit to play the role,” sabi ni Pia.

Dream role na nga kung tawagin ito ni Pia, dahil bata pa lang siya ay pangarap na niyang gumanap sa papel ng isang superhero.

“Oh yeah, of course! If I find out that they’re open to have me audition, then I’m going to try. Why not?” sabi niya.

Samantala, minessage din daw ni Pia si Liza nang malaman niya ang nangyari dito. Matatandaang naging magkaibigan ang dalawa matapos na gumanap ni Liza bilang si Pia sa life story nito sa Maalaala Mo Kaya matapos koronahan ang huli bilang Miss Universe.

“Nalungkot ako talaga kasi kaibigan ko na din si Liza, eh. I remember talking to her about the movie Darna while we were doing ASAP in Australia, the preparation and how she was really excited about it.

“And ‘yung feeling na, alam mo ‘yun, sa iyo na, eh. Pero may things na ‘di natin ma-control. I feel bad for her. And I also messaged her kasi I can imagine what it feels like,” sabi pa ni Pia.

-ADOR V. SALUTA