FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BALITA ang tungkol sa pagkakabanggit ng pangalan ni Dr. Modesto Tatlonghari, ex-husband ni Zsa Zsa Padilla na umano’y nasa likod ng pekeng kasal ng singer sa isang Japanese national na nangangalang Shigemi Nabehigashi noong Hunyo 29, 1992 sa Manila City Hall.
Bagamat klinaro na ni Zsa Zsa na hindi ang dating asawa ang pakana nito, ay ito pa rin ang topic sa mga lugar na pinupuntahan namin tulad ng restaurants at salon. Nakikinig na lang kami sa takbo ng usapan.
Plano naming hingan ng pahayag ang tatay ni Karylle Tatlonghari-Yuzon pero ang sabi ng common friend namin, “goodluck kung makausap mo, napaka-private na tao no’n.”
Totoo naman dahil kapag nakikita namin siya sa mga event dati ni Karylle ay nasa isang tabi lang at nagmamasid. May mga tinatanong kami sa kanya noong may mga isyu ang anak pero hindi kami sinasagot at puro ngiti lang at saka kami lalapitan ng anak sabay tanong, “ano na naman tinatanong mo kay dad?”
Ayon pa sa common friend namin ni Dr. Modesto” “Alam ko paalis sila for Japan kasama sina K (Karylle) at Yael for vacation. Hindi ko alam kung tonight (Linggo) o tomorrow (kahapon).”
Kapag available raw ang daddy ni Karylle ay kasama siya lagi sa mga bakasyon nilang mag-asawa.
Sa tatay niya lumaki si Karylle kaya siguro super close siya at saka lang siya umalis sa bahay ng ama noong nag-asawa na siya.
-REGGEE BONOAN