ISA si Enchong Dee sa mga pinalakpakan at hiniyawan nang husto habang rumarampa nang naka-brief sa Men’s Club by Avon, na ginanap sa Shooting Gallery Studio sa Makati City nitong Biyernes ng gabi.

Enchong

Ang ganda ng katawan ni Enchong kaya isa ito sa nagustuhan sa kanya ng kababaihang nasa venue.

Ayon sa binata, ito ang unang beses na rumampa siya nang naka-brief, dahil nu’ng nasa Bench pa siya ay boxer shorts naman ang suot niya at may mga takip pa.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“This is the first time na naka-brief. When I was just starting I really wanna do something like this, kasi natural lang sa akin ito o hindi bastusin para sa akin na naka-underwear lang ako. Kasi for the longest time, I’ve been competing with basically just trunks,” saad ni Enchong.

Ang tinutukoy ng aktor ay noong nasa kolehiyo pa siya na lagi siyang lumalaban sa swimming competition. May UAAP men’s fly 100 at MVP titles din siya bukod sa gold medallist pa. Isa sana siya sa mga kinatawan ng Pilipinas sa SEA Games at Asian Games pero nakuha na ng showbiz ang buong oras ni Enchong, bagay na hindi naman niya pinagsisihan.

“Kaya nu’ng i-offer sa akin ng Avon, I said yes kaagad kasi kahit underwear alam ko kung paano dalhin na hindi bastusin.”

An o nama n a n g mo d e r n g e n t l e m a n (concept ng fashion brand) para kay Enchong? “A modern gentleman definitely has kindness. Marunong kang makisama kahit mababa ang kinatatayuan ng isang tao, or malayo ang naabot ng isang tao. It doesn’t matter as long as how you know to treat them properly, treat them with kindness,” ani Enchong.

Samantala, lilipad pa-Europe si Enchong ngayong Semana Santa, partikular sa Zurich, global center for banking and finance.

“This is the first time na magbakasyon ako na may titingnan akong something, may purpose ‘yung travel ko hindi lang siya vacation,”saad ni Enchong.

Hirit namin kung ano ang purpose niya. “Bangko, basta ‘yun lang muna.” Doon ba itatago ang kayamanan niya? “Hindi pa naman ganu’n kalaki. Magre-research lang muna.”

As of now ay walang regular show o teleserye si Enchong, pero may tinatapos siyang pelikula ni Direk Adolph Alix, Jr. kasama ang beteranang aktres na si Ms Anita Linda.

“I’m with the lady of my dreams, Anita Linda. So, I’m really excited. Hindi ko pa alam kung saan pupunta and I’m still waiting for the news and sana-sana.

“Ang sarap ng nangyari sa shooting. May isa pang shooting day. Gagampanan ko ang role na apo ni Ms Anita Linda,” kuwento ng aktor.

Hindi binanggit kung sa anong film festival isasalin ang pelikula dahil wala pang katiyakan kung mapapasama nga ito sa entries.

“Ipinagdarasal ko pa,” sabi ni Enchong.

Anyway, may pahiwatig si Enchong na kung sakaling wala pang maibigay na teleserye sa kanya, sana raw ay bigyan siya ng hosting job sa game show, tulad ng mga projects ni Luis Manzano.

“Gusto ko talagang mag-host pero iba ‘yung hosting nina Luis. Sobrang magagaling sila pagdating sa mga ganu’n. Game show ang gusto ko, parang Who Want’s to be A Millionaire or Game Ka Na Ba? type, educational game show sana,” paliwanag ng binata.

Hirit namin kung nabanggit ba niya ito sa ABS-CBN management.

“Hindi pa, wala naman silang game show na ganu’n, pero siguro one day kapag may lakas na ako ng loob,”napangiting sabi ni Enchong

-REGGEE BONOAN