Nagwakas na ang pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot ng isang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) nang madakip ito sa North Cotabato, kamakailan.

CAFGU

Ang suspek na nakilalang si Jhien Sumapal, 45, ng Pikit, North Cotabato, ay nakapiit na sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ayon kay Director Naravy Duquitan.

Nilinaw nito, matagal na nilang sinusubaybayan ang pagbebenta ng iligal na droga ni Sumapal hanggang sa maaresto ito sa buy-bust operation sa nabanggit na lugar.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Tinatayang aabot sa P400,000.00 ang halaga ng drogang nasamsam kay Sumapal na sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

-Fer Taboy