NAGBIGAY ng thanksgiving lunch for some members of entertainment press ang isa sa matatawag naming “babaeng bukod na pinagpala” na si Sylvia Sanchez, kasama ang mga anak na sina Arjo at Ria Atayde. Dumating din ang husband niyang si Papa Art Atayde.

sylvia sanchez

Bakit ‘ka n’yo nasabi ni Yours Truly na si Sylvia ay isa sa babaeng bukod na pinagpala?

Well, bukod sa may maayos siyang pamilya, maayos din ang takbo ng kanyang showbiz career, at bongga rin ang kanyang mga negosyo. Bukod pa ang ilang acting awards na napanalunan niya lately.

Tsika at Intriga

Gardo, no to political dynasty; gobyerno, 'wag gawing negosyo, bisyong pagnakawan

Umaarangkada rin pati ang showbiz career ng mga anak niyang sina Arjo at Ria, in pernes.

“Pasasalamat namin ito sa inyo. Mula pa sa akin, wala pa akong anak, pero halos pare-pareho ‘yung mukha na nakikita ko ngayon nu’ng ako’y nag-uumpisa pa lang sa showbiz, na nakatulong sa akin at hanggang ngayon ay tumutulong pa rin pati na rin sa mga anak ko,” sabi ni Sylvia.

“Kitang-kita ko lahat ‘yun. Akala n’yo lang hindi ako nakatingin, pero nakatingin ako. At alam ko, nasa utak ko kayo, kahit bihira tayong magkita.

“Salamat, salamat sa inyong lahat na naririto ngayong araw na ito. Hindi ako nagpalagay ng presidential table dahil hindi naman ito presscon kundi bilang pasasalamat ko at ng pamilya ko sa inyo.”

Ang alam ni Yours Truly, ang unang taong nakatulong nang husto sa showbiz career ni Ibyang ay ang yumao na naming longtime friendship, nu’ng panahon pa ng Tower Productions, na si Angge aka Cornelia Lee (SLN).

At nang una ko ring ma-sight ang beauty ng isang Sylvia Sanchez in flesh and blood, somewhere in Timog Avenue noon, knows ko na agad na isa siyang star material sa larangan ng sining, sa true lang.

Kaya nang magkaroon ng pagkakataon si Yours Truly na maka-one-on-one interview ang Sylvia during their thanksgiving lunch, agad ko siyang tinanong kung siya na ba ngayon ang gumaganap sa mga roles na ginampanan noon ni Maricel Soriano or ni Vilma Santos or ni Nora Aunor?

“Masayang pakinggan pero sila pa rin ang mga Reyna. Sumusunod lang ako sa kanila. Sila ‘yung mga inirerespeto kong mga artista.”

Ayaw ba niyang matagawag na superstar, sa status niya ngayon in showbiz world?

“Ayoko. Ang gusto ko lang ay matawag na ‘the actress’. Basta sila pa rin ang mga Reyna. ‘Yon lang,” pagtatapos niya sa tonong very humble, in pernes.

Niwey, salamat din sa thanksgiving blessings na ibinigay ng pamilya Atayde, and may our Lord God Jesus Christ bless you more so you can be a blessing, too, to others. Alleluyah, amen!

-MERCY LEJARDE