Ibinahagi ni OPM singer-icon Rico Blanco ang pananaw niya tungkol sa pakikipagkaibigan sa mga dating nakarelasyon.
Sa isang episode kasi ng “Oh My Gan!” kamakailan, sinabi ni Rico na kaibigan umano niya ang lahat ng kaniyang ex-girlfriend maliban sa huli.
“Okay lang bang maging friends pa rin sa ex?” usisa ng beauty queen at journalist na si Ganiel Krishnan
“Yeah, sagot ni Rico. "I'm friends with all my exes. And all my exes knows this. It's just I tend not to super close to the last one. Siyempre, mas delicate pa 'yon, e.
“But I think over time, and if naka-move forward na, it depends on where you are in life. So, usually, maybe the last one is the one I'm not close to,” dugtong pa niya.
Matatandaang si Kapamilya actress Maris Racal ang huling babaeng nakarelasyon ni Rico. Nagkahiwalay silang dalawa noong Hulyo 2024.
Bukod kay Maris, ang isa pang celebrity na naugnay kay Rico ay si KC Concepcion. Ngunit wala namang kumpirmasyon ang dalawa hinggil dito.
Samantala, bagama’t hindi niya pinangalanan, isang dermatologist naman ang kinumpirma niyang nakarelasyon niya noong 2014.
Maki-Balita: Rico Blanco, Maris Racal hiwalay na!