Curry, NBA All-Time three-point shot leader

OAKLAND, Calif. (AP) — Naitala ni Stephen Curry ang bagong career shooting record sa naisalpak na walong three-pointer para sa kabuuang 38 puntos sa dominanteng 121-104 panalo ng Golden State Warriors sa No.8 seed Los Angeles Lakers sa Ganme 1 ng kanilang Western Conference first round playoff nitong Sabado (Linggo sa Manila).

NALUSUTAN ni D’Angelo Russell ang depensa ng Philadelphia Sixers para sa krusyal na opensa tungo sa panalo ng Brooklyn Nets sa isang upset na resulta sa NBA Eastern Conference first round playoffs. (AP)

NALUSUTAN ni D’Angelo Russell ang depensa ng Philadelphia Sixers para sa krusyal na opensa tungo sa panalo ng Brooklyn Nets sa isang upset na resulta sa NBA Eastern Conference first round playoffs. (AP)

Napatalsik sa laro si Kevin Durant at Clippers guard Patrick Beverley may  4:41 ang nalalabi sa laro matapos magtalo sa isang maaksiyong tagpo. Naganap ito may 19 segundoi ang nakalipas matapos silang patawan ng double technical.

Anong luto ni Chloe ang masarap para kay Caloy lalo na 'pag umuulan?

Naitala ni Curry ang 8 for 12 from sa three-pointer, sapat para lagpasan si Ray Allen (385) para sa career postseason 3s tangan ang kabuuang 386, bukod sa postseason career-high 15 rebounds, pitong assists tungo sa ika-31 postseason performance na may 30 puntos o higit pa.

Nakatakda ang Game 2 sa Lunes (Martes sa Manila) sa Oracle Arena.

Sinimulan ni Draymond Green ang matikas na opensa ng Golden State sa impresibong 5-of-5 sa field goal para sa kabuuang 17 puntos, ptiong assists at pitong rebounds, habang kumana si Durant ng 23 puntos para hilahin ang winning streak ng Warriors sa postseason sa pitong sunod.

Nanguna sa Clippers si Montrezl Harrell sa naiskor na 26 puntos, at kumana ang kapwa reserve na si Lou Williams ng 25 puntos at siyam na assists para sa Los Angeles na nakabalik sa playoffs matapos kapusin sa nakalipas na seaso.

SPURS 101, NUGGETS 96

Sa Denver, hataw si DeMar DeRozan sa naiskor na 18 puntos, habang naitala nia Derrick White ang krusyal na depensa para sandigan ang No.7 seed San Antonio Spurs laban sa No.2 seed Denver Nuggets.

Naagaw ni White ang bola kay Jamal Murray sa mid court may 1.3 segundo ang nalalabi matapos maisalpak ni LaMarcus Aldridge ang dalawang free throw na nagbigay sa Spurs ng bantahe.

Nakatakda ang Game 2 sa Martes (Miyerkoles sa manila) sa homecourt ng second-seeded Nuggets kung saan nakapagtala sila ng home-court record (34-7).

Umusad ang San Antonio sa ika-22 sunod na playoff, sa pagkakataong ito binubuo ng bagong grupo na kinabibilangan ni DeRozan, ipinalit kay Kawhi Leonard sa trade sa Toronto.

Naghabol ang Nuggets, sumabak sa unang playoff matapos ang anim na season, sa kabuuan ng laro, subalit nailapit sa isang puntos ang bentahe ng Spurs sa krusyal na sandal.

Kumubra si Denver All-Star Nikola Jokic ng triple-double -- 10 puntos, 14 assists at 14 rebounds

Nag-ambag si White ng 16 puntos sa Spurs, habang tumipa sina Aldridge at Bryn Forbes ng tig-15 puntos.

NETS 111, SIXERS 102

Sa Philadelphia, ratsada si D’Angleo Russell sa natipang 26 puntos, habang kumana si Caris LeVert ng 23 puntos sa sopresang panalo ng Brooklyn Nets kontra Philadelphia 76ers sa Game 1 ng  Eastern Conference first-round playoff series.

Nanguna si Jimmy Butler sa Sixers na may 36 puntos, habang kumana si  Joel Embiid ng 24 puntos at nalimitahan si Ben Simmons.

“I think he’s a little more focused,” pahayag ni Sixers coach Brett Brown. “I think he’s more aware of what to expect.”

MAGIC 104, RAPTORS 101

Sa Toronto, ginapi ng Orlando Magic, sa pangunguna ni D.J. Augustin na kumubra ng 25 puntos, ang Toronto Raptors.

Naitira ni Kawhi Leonard ang huling opensa para sa Toronto, ngunit mintis ang kanyang pagtatangka.

Kumubra si Aaron Gordon ng 10 puntos at 10 rebounds, habang tumipa si Evan Fournier ng 16 puntos at umiskor si Jonathan Isaac ng 11 para No. 7-seeded Magic.

Nanguna si Leonard sa Raptors na may 25 puntis, habang kumana si  Pascal Siakam ng 24 at umiskor si Fred VanVleet ng 14 para sa No.2 seed Raptors.

Nag-ambag sina Danny Green at Marc Gasol ng tig-13 puntos, habang nabokya si All-Star guard Kyle Lowry para sa Toronto.